Feeling ni David kapag kasama si Barbie: Everything’s gonna be OK

Feeling ni David kapag kasama si Barbie: Everything's gonna be OK

Barbie Forteza at David Licauco

ABANGERS na ang mga fans nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa kanilang next project.

Ang tinutukoy namin ay ang upcoming historical epic series ng GMA 7 na “Pulang Araw” kung saan makakasama rin nila sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Sparkle actress Sanya Lopez.

Kasalukuyan nang nagte-taping ang buong cast ng “Pulang Araw” pero wala pang ina-announce ang Kapuso Network kung kailan eere ang naturang star-studded TV series.

Ayon kay Barbie, ibang-iba naman ang ipakikita nila ni David sa “Pulang Araw” kumpara sa hit series nilang “Maria Clara At Ibarra” kung saan nga nagsimula ang tambalang BarDa.

Baka Bet Mo: ‘Buko’ ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na

Sa panayam ng “Chika Minute” kay Barbie, excited na rin siyang mapanood ng mga Kapuso viewers ang bagong karakter ni David sa “Pulang Araw.”

“Nakita ko ‘yung maturity niya and improvement as an actor. So, I can’t wait to see him as Hiroshi kung ano’ng input ang ginawa niya. Anong klaseng character ‘yung ginawa niya as Hiroshi,” pahayag ng Kapuso Primetime Drama Princess about her leading man.


Para naman kay David, mas nagiging madali ang trabaho niya dahil sa galing ni Barbie bilang aktres. Mas nai-inspire pa raw siyang galingan sa bawat eksenang ginagawa nila.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes hugot na hugot: ‘We’re gonna buy toys kasi lagi kaming pinaglalaruan, e!’

“Barbie is there, so, parang I have this assurance na everything is gonna be okay when I’m with her, kasi parang madali siya katrabaho. And we know each other so well,” chika ni David.

Inalala naman ni Barbie sa naturang panayam ang pagta-travel nila ni David na magkasama patungong Hong Kong para sa isang magazine shoot.

“Sobrang saya! Sabi ko nga, ang laking tulong din kasi kasama ko ‘yung Team Barbie so ang dami kong kasama na na-enjoy ang Hong Kong.

“And now I get to talk about my experience, while I was there,” aniya.

Samantala, tuloy na tuloy na rin ang pagpunta ni David sa Australia para manood ng “Eras Tour” ng international artist na si Taylor Swift.

Big fan daw talaga siya ng Grammy-award winning singer, “Sobrang excited ako, kasi super fan ako ni Taylor Swift. Kaya, sasayaw at kakanta (ako)!”

Read more...