“STRUGGLE is real” din para sa celebrity mom na si Jessy Mendiola nang mabuntis hanggang sa isilang ang anak nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut.
Pero sa kabila ng matinding hirap at sakripisyo niya bilang first-time mommy, gusto pa rin niyang dagdagan ang anak nila ng asawang si Luis.
Ayon sa aktres, worth it lahat ng naranasan niyang challenges sa kanyang pregnancy journey hanggang sa araw nang ipanganak si Isabella Rose.
Baka Bet Mo: Jessy Mendiola nais nang bumalik sa showbiz, Baby Peanut mag-aartista na rin ba?
At ngayong unti-unti nang lumalaki si Baby Peanut, sinabi ni Jessy na gusto na sana nila ni Luis na magka-baby na uli. “Sana. Gusto ko nga po lima. Sana kaya ko sunud-sunod,” ang sey ng aktres sa isang panayam.
“Pero siyempre po, may mga seasons tayo in life. So I’m prioritizing this season right now na ang daming blessings. So kailangan natin bigyan ng time rin,” esplika pa niya.
“Pero sana, sana talaga. I really want to have as much kids as I can. As in gusto ko ng maraming anak.
“But you know, ang dami din kailangan gawin ngayon, so maybe soon, but not right now. Not very soon,” paglilinaw ng wifey ni Luis.
Baka Bet Mo: Luis Manzano papayag agad kung gustong mag-artista ni Baby Peanut: ‘Pero feeling ko magiging strict na stage dad ako’
At dahil “Peanut” nga ang tawag ng marami kay Rosie, kapag daw nabiyayaan sila uli ng isa pang baby, baka raw ang maging palayaw nito ay “Butter” – so, may Peanut na, may Butter pa! Bongga, di ba?
Sa mga hindi pa aware kung bakit Peanut ang nickname ni Rosie, may paliwanag diyan si Jessy, “Kasi when we first saw Rosie inside my tummy sa ultrasound, naka-shape siya as peanut.
“Tapos, may iba din palang mga mommies, ganun pala nagsimula. It’s either Peanut or Bean. Kasi shaped nga as either peanut or bean si Baby. I think, ano ako noon, mga two months pa lang.
“Tapos, doon ko nakita, sabi ko kay Luis, ‘Uy, love, o, parang siyang peanut.’ Tapos, it’s stuck na with him. Sabi pa ni Luis, ‘She’ll always be my Peanut Manzano,'” ani Jessy.
Tungkol naman sa mga challenges na hinarap niya bilang nanay, “Actually, I don’t…I have lots of struggles, but I try not to bring myself down with it.
“Para sa akin, I’m really just proud of every milestone of Peanut. And my favorite time with her is, I don’t know, every minute of the day.
“So every moment, talagang siya tini-treasure ko,” sey pa ni Jessy.
Dagdag pa niya, “So, ang doubts, ang struggles, dadating talaga yun, but, you know, ang important is, ikaw, you just go through with it. You just learn lessons, and talagang worth the experience.”