Enrique Gil nagbenta ng 2 sapatos sa vlogger, binayaran ng P1.5-M

Enrique Gil nagbenta ng 2 sapatos sa vlogger, binayaran ng P1.5-M

Enrique Gil

NO, hindi nalulugi at naghihirap ang Kapamilya actor na si Enrique Gil tulad ng pinalalabas ng mga bashers niya sa social media.

Nag-ugat kasi ito sa pagbebenta ng boyfriend ni Liza Soberano ng kanyang mga pre-loved na sapatos sa shoe collector-content creator na si Dane Grospe.

Personal na nagtungo si Enrique sa shop ni Dane Grospe para ibenta ang dalawa sa mga mamahalin niyang shoes – ang kanyang orange shoes at isang customized at Iron Man-inspired na sapatos.

Chika ng aktor, talagang binili niya ang “Iron Man” shoes (na umiilaw habang nagpe-perform siya on stage) para gamitin sa isang dance concert na ginanap sa Araneta Coliseum.

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Tito Sen sa chikang nalulugi ang producer ng Eat Bulaga: ‘Mahigit tig-P30 million ang utang kina Vic at Joey’

Dalawang beses lang daw niyang nagamit ito, una nga sa nabanggit niyang event sa Araneta at sa isang photoshoot.

Tatlo lang daw ang owner ng naturang sapatos sa buong universe at isa na nga riyan si Enrique.

Ibinandera pa ng aktor sa vlog ni Dane na nagustuhan din daw ito nina Nate Robinson at Apl.De.Ap pero hindi raw ito fit kay Apl habang ayaw naman daw magpunta sa Pilipinas ni Nate para lang sa nasabing pair of shoes.


Pag-compute ni Quen, aabot sa P750,000 ang presyo ng sapatos kabilang na ang shipping fee at ang extra payment para sa nag-custom paint nito.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview

Samantala, ang orange shoes naman na ibinenta ni Enrique ay hindi niya talaga size kaya hindi rin niya ito nagagamit at  nasa cabinet lang niya.

Pinresyuhan ni Quen ang Iron Man-inspired shoes niya ng P1.2 million habang P800,000 naman ang orange na sapatos. Tinawaran naman ito ni Dane ng P1.4 million.

At para maging patas ang tawaran, nagdesisyon sila na daanin ito sa “toss coin” — kapag “head” ang lumabas wagi si Enrique at babayaran siya ng P1.5 million.

Ang ending, nanalo si Enrique sa toss coin kaya binayaran siya ng P1.5 million.

Ganern lang yun. Walang naghihirap at nalulugi tulad ng kumakalat na tsismis sa social media.

Read more...