Naghihirap na: Aktres na waldas sa pera walang raket | Bandera

Naghihirap na: Aktres na waldas sa pera walang raket

Reggee Bonoan |July 03,2018
facebook
share this

Naghihirap na: Aktres na waldas sa pera walang raket

Reggee Bonoan - July 03, 2018 - 12:30 AM

NAGHIHIRAP na ba ang character actress? Natanong namin ito dahil namataan siyang ibinebenta ang kanyang mga alahas sa kilalang negosyante sa isang hotel sa Pasay City.

Kuwento ng aming source, “Panay ang kulit niya ____ (character actress) kay ____ (kilalang negosyante) na magkita sila at may mga ipapakita siyang alahas. Tapos umamin na mga alahas daw niya ‘yun, inipon-ipon niya noong marami siyang project. E, mukhang gipit kaya kailangan niya raw magbenta. ‘Yung negosyo niya nalulugi yata o magtatayo yata ng negosyo.”

Hindi naman masagot ng aming source kung binili lahat ng kilalang negosyante ang mga dalang alahas ng character actress dahil hindi rin naman mahilig ang kausap nito at malamang na ipangreregalo lang din nito sa kanyang mga mahal sa buhay.

Anyway, ang character actress ay mabait pero waldas pagdating sa pera kaya lagi siyang nagigipit at higit sa lahat marami ring umaasa sa kanya.

Sa ngayon ay wala pa ring project ang character actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending