AYAW na sanang balikan pa ng Original Concert Queen na si Pops Fernandez ang araw nang maghiwalay sila ni Martin Nievera.
Hindi rin daw naging madali para kay Pipay ang pagmu-move on nang magdesisyon sila ng ex-husband na tapusin na ang kanilang 14 years na pagsasama bilang mag-asawa.
Maayos na ang relasyon nila ngayon ni Martin pero hindi pa rin niya masasabi na 100 percent okay sila dahil may mga pagkakataon na nagkakaroon pa rin sila ng misunderstanding.
Nang makachikahan nga namin si Pops at ng ilan pang miyembro ng entertainment press sa mediacon ng kanyang anniversary concert na “Always Loved” na magaganap sa February 9 and 10 sa The Theater at Solaire, Parañaque City, may rebelasyon ang singer-actress.
Baka Bet Mo: Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo
“I don’t want to pretend na we are a hundred percent okay. We go through certain tampuhans, but what is good about it is we know how to deal with it,” ani Pipay.
“I think because we choose to always be okay, na-sesettle naman siya. We settle everything privately, and we deal through all those misunderstandings privately,” dugtong niya.
Pagkumpirna pa ni Pipay, matagal din bago naghilom ang mga sugat ng paghihiwalay nila ni Martin kaya naman natagalan din bago sila maging okay uli as friends.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya!
“I said it before, it took a lot of years because again ayokong balikan yung pain. Pero it has to be mentioned para alam din ng mga tao na hindi siya ganu’n kadali.
“If you think it’s easy, those things –emotions are never easy. You have to condition yourself, and you have to accept it. Then again, you have to be strong enough to admit it to yourself,” lahad pa niya.
Para naman sa mga loyal fans nila ni Martin, “No matter how badly we explain ourselves and how honest we are sa public, siyempre hindi naman mawawala (mga fans). Kaya nga sila fans di ba, cause they are hoping against hope na magkakabalikan kami.
“But I think ako sobra akong grateful na maski na alam nila medyo baka hindi na yun mangyari, they’re still there,” paliwanag ni Pops.