Mura at mas mabilis na pag-renew online ng sangla inilunsad ng Palawan Pawnshop | Bandera

Mura at mas mabilis na pag-renew online ng sangla inilunsad ng Palawan Pawnshop

INQUIRER.net BrandRoom |February 05,2024
facebook
share this

Mura at mas mabilis na pag-renew online ng sangla inilunsad ng Palawan Pawnshop

INQUIRER.net BrandRoom - February 05, 2024 - 03:23 PM

Aligaga at maging sa trabaho ay may bitbit na alalahanin dahil sa marerematang sangla? Hindi na kailangang maging balisa. May solusyon na diyan ang Palawan Pawnshop! Hindi na din kailangang umalis ng bahay o lumisan sa trabaho.
Sa paghahangad na makapagbigay ng mainam at maayos na solusyon para sa mga suki, inilunsad ng Palawan Pawnshop, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang pangalan sa industriya, ang makabagong paraan para mas mapadali ang paraan ng pagmamanage ng mga kustomer sa kanialang alahas na nakasangla. Ito sa pamamagitan ng Online Pawn Renewal ng PalawanPay App.

Palawan Pay

Ang makabagong serbisyo ito ay nagbibigay daan na ma-i-renew ang mga nakaprendang alahas sa anumang oras at kahit saang lokasyon gamit ang PalawanPay App. Maari pa rin namang pumunta sa mahigit na 3,300 na branches ng Palawan Pawnshop sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng PalawanPay App, maaari nang i-extend ng mga kustomer ang loan period ng kanilang mga nakasanglang alahas. kailangan lamang kumpletuhin ang mahahalagang detalye sa pawn ticket kagaya ng pangalan, petsa ng sangla, pawn ticket number at iba pa. Kapag nareview na ang mga detalye, pwede ng iclick ang renew button at magpapadala ito ng successful pawn renewal notification sa nakarehistrong mobile phone. Kayang-kaya rin ng bulsa ang ₱20 renewal transaction fee, napakalaking tipid sa oras, at pamasahe.

Palawan Pay

Palawan Pay

Hangad ng Palawan Pawnshop na bigyan ng mura, mabilis at walang kuskos balungos na serbisyo ang kanilang mga suki. Isa na dito ang ang automated text notification feature na nagpapaalala sa kanilang mga suki ng kanilang due date at expiration date ng kanilang sangla, ito ay upang makaiwas sa multa o karagdagang gastos.

Ang Palawan Pawnshop ay kilala din sa pagbibigay pinakamataas na appraisal at at pinakamababang interest rate. Mayroon ang Palawan Pawnshop na ‘tiered interest rate system,’ sa mababang 1% na interest rate para sa mga pautang na 11 araw, 2% para sa 22 araw, at 3% para sa 33 araw. Ito ay napaka inam at napakasulit na solusyon para sa mga suki.

Bukod dito, ang mga customer na may mga Suki card ay mayroong eksklusibong benepisyo, kabilang dito ay ang hanggang 5% diskwento sa interes.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Online Pawn Renewal at ang PalawanPay App, maaari kang bumisita sa PalawanPay o Palawan Pawnshop Websites o magtungo sa alinmang sangay ng Palawan Pawnshop na malapit sa iyo. Ang Palawan Pawnshop at PalawanPay ay pinangangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

 

ADVT.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending