Alfred sa bunsong anak na si Baby Aurora: Nakaka-in love ka, sobra!
PINUSUAN at umani ng mga inspiring message ang makabagbag-damdaming mensahe ni Alfred Vargas para sa bunsong anak na si Baby Aurora Sofia.
Mahigit isang buwan na ngayon ang ikaapat na anak ni Alfred at ng misis niyang si Yasmine Espiritu na isinilang noong December 26, 2023.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng video ang actor-public servant kung saan makikitang karga-karga niya ang bunsong anak.
Aniya sa caption, “To my dearest Aurora Sofia, Nakaka-in love ka sobra!!!”
Baka Bet Mo: Alfred Vargas kay Ate Guy: ‘Superstar talaga siya, ‘yung husay at talento highest level talaga!’
Dugtong pa ng Kapuso star, “Thank you for giving me the privilege of being the first man to ever love you!
“Mahal na mahal kita, bunso!” ang mensahe pa ni Alfred kay Baby Aurora.
View this post on Instagram
Nitong nagdaang January 25, nag-post si Yasmine sa IG ng mga cute pictures ng bunsong anak na may mensaheng, “To our dear family and friends…
“With much love, gratitude and happiness, we proudly introduce the newest member of our family, our little bundle of joy, AURORA SOFIA E. VARGAS.
“We love you so much Aurora!” ang caption ng wifey ni Alfred na nakakuha rin ng sandamakmak na likes and comments mula sa netizens.
Baka Bet Mo: Bunso ni Andrew Schimmer nag-birthday sa burol ng ina: I really want you to be proud of me…
Sa isa pang hiwalay na IG post, makikita naman si Baby Aurora na natutulog suot ang kanyang golden little gown at may caption na, “They say if you dream a thing more than once, it’s sure to come true. — Aurora, Sleeping Beauty.”
Narito naman ang comments ng mga netizens sa mga cute na cute na litrato ng bunso nina Alfred at Yasmine.
“Simula sa panganay hanggang sa bunso ang gaganda nila grabe parang mga perfect ang mukha nila.”
“Very cuteeeeee, so precious and very beautiful. Baby Aurora like an angel.”
“Congratulations! I’m teary eyed looking at this and looking at my daughter you have helped financially get operated in her brain 3 years ago.”
“‘Mahal na mahal kita bunso’ yan din sana gusto ko sabhin sa baby ko pero nasa heaven na sya.”
“Congratulations!!! What a beautiful baby girl such a sweet father daughter moment.”
“Wow amazing super daddy i love it sa na all.”
Bukod kay Baby Aurora may tatlo pang anak sina Alfred and Yasmine — sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano.
Ibinalita rin ni Alfred na hindi naging madali ang pregnancy journey ng kanyang asawa kaya naman grabe ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil parehong ligtas ang kanyang mag-ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.