Alfred saludo sa pagiging wifey at mommy ni Yasmine: Kahit naka-bedrest, hataw pa rin siya sa pagma-manage ng bahay' | Bandera

Alfred saludo sa pagiging wifey at mommy ni Yasmine: Kahit naka-bedrest, hataw pa rin siya sa pagma-manage ng bahay’

Ervin Santiago |September 21,2023
facebook
share this

Alfred saludo sa pagiging wifey at mommy ni Yasmine: Kahit naka-bedrest, hataw pa rin siya sa pagma-manage ng bahay’

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 06:52 AM

Alfred saludo sa pagiging wifey at mommy ni Yasmine: Kahit naka-bedrest, hataw pa rin siya sa pagma-manage ng bahay'

Alfred Vargas, Yasmine Espiritu at ang kanilang tatlong anak

KAHIT naka-bedrest ang asawa ni Quezon City Councilor Alfred Vargas, sinusubukan pa rin nitong makatulong sa mga dapat asikasuhin sa kanilang tahanan.

Kuwento ng actor-public servant, tina-try ng kanyang wifey na si Yasmine na maging hands-on pa rin sa pag-aasikaso sa kanilang mga anak sa tulong ng kanilang mga kasambahay.

Maselan kasi ang pagbubuntis ni Yasmine sa fourth baby nila ni Alfred kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga nang bonggang-bongga para masiguro na healthy sila ng sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Natanong namin si Konsi Alfred kung anong feeling na siya ngayon ang gumaganap na nanay at tatay sa kanilang family habang super rest muna si Yasmine.

“Si Yasmine, kahit naka-bedrest, hataw pa rin sa pagma-manage ng bahay at pagpapalaki ng mga anak namin.

“From her bed, she gives instructions and makes sure that everything at home is fine. Swerte din kami kasi masisipag ang mga household staff namin. Very helpful sila,” pahayag ng aktor.

Patuloy pa niya, “Ako naman, minsan ako ang nagsusundo sa mga kids sa school. Mainly, parang nurse at masseuse na rin ako ni Yasmine dito sa bahay.

“I massage her every night para mahimbing ang tulog niya. Yung mga anak naman namin, tumutulong din palagi sa mommy nila at napakadaling utusan,” sey pa ng konsehal.

“While all of this is happening, nakakapag-bonding kaming mag-asawa at ng family nang mas matindi.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas, Yasmien Espiritu magkaka-baby no. 4 na: ‘My Amore is now 13 weeks pregnant!’

“Kahit mahirap ang pinagdaraanan, masarap at masaya kasi magkakasama kaming buong family and we take care of each other,” chika pa ni Alfred.

Kinumusta rin namin ang kanyang experience nang mag-grocery siyang mag-isa kamakailan na napanood sa ginawa niyang video. Mahirap bang mag budget o kering-keri lang?

“I enjoy doing our grocery. Hindi naman mahirap kasi sumusunod lang ako sa listahan at budget ni misis. Yari ako kapag sumobra. Ha-hahaha!” sagot ng Kapuso actor.

Ano naman ang maipapayo niya sa mga kapwa niya tatay na ginagampanan din ang pagiging “nanay” sa kanilang mga anak?

“Very good! Go lang nang go para sa pamilya. Basta para sa pamilya, kahit ano pang pagsubok yan, kakayanin natin yan. Wala namang mas hihigit pa kaysa sa asawa at mga anak. Yan ang tatay!” masayang pahayag ni Alfred Vargas.

Misis ni Alfred Vargas maselan ang pagbubuntis sa ika-4 na anak: ‘Bed rest talaga, she’s only allowed to move 15 minutes a day’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Misis ni Alfred sinigurong panghuli na ang dinadalang ika-4 na baby: ‘This pregnancy has been very difficult mentally, physically and emotionally’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending