Melai naki-level kina Ivana at Zeinab: Don’t comment, masakit ang katotohanan

Melai naki-level kina Ivana at Zeinab: Don't comment, masakit ang katotohan

Zeinab Harake, Ivana Alawi at Melai Cantiveros

NAGPASABOG muli ng good vibes sa social media ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros dahil sa bago niyang paandar.

Aliw na aliw at umani ng mga positibo at nakakatuwang komento mula sa netizens ang ipinost ni Melai na mga bago niyang litrato sa Instagram.

Ibinalita ng komedyana sa kanyang mga fans at socmed followers na nagbakasyon siya kamakailan sa isang beach resort.

Hindi niya nabanggit kung kasama niya ang kanyang pamilya sa nasabing beach getaway pero mukhang enjoy na enjoy naman ang “Magandang Buhay” host.

Baka Bet Mo: Blackpink tinulungan si Andrea Brillantes sa paandar na ‘promposal’ kay Ricci Rivero: ‘He said YES!’

Masa-sight sa mga photos ni Melai ang paandar niyang pictorial suot ang kanyang black two-piece swimwear, kung saan pak na pak ang pagpo-project niya na parang isang “mowdel.”

Feeling namin, ginamit ng komedyana ang usung-uso ngayon sa pagpapa-picture na “0.5 lens” para sa tinatawag ng mga Gen Z na “trendy aesthetic photo.”


Sey ni Melai, ang kanyang beach photos ay inspired by sexy vloggers na sina Ivana Alawi at Zeinab Harake.

Hirit ng misis ni Jason Francisco sa kanyang caption, “Ang peg ng photograper ko sa pagkuha ng anggulo para maging Ivana Alawi or Zeinab ang ganda ko (emojis).”

Tanong pa niya sa kanyang IG followers, “Pwede naba?????”

Baka Bet Mo: ‘Acrobat halikan’ nina Derek at Ellen bentang-benta sa socmed; hati ang reaksyon ng netizens

Ngunit bago pa makapag-comment ang netizens, inunahan na ni Melai ang mga magre-react ng hindi maganda, “Dont Comment down below kasi masakit ang katotohanan, alam ko di maganda sagut nyu.”

Pero in fairness, halos lahat ng nag-react sa kanyang mala-Ivana at Zeinab na pictorial sa beach at positive at nakaka-boost ng morale.

Hindi nga lang mga netizens ang napa-wow at napa-boom sa mga litrato niya kundi pati kapwa niya celebrities na nagsabing isa na rin siyang certified “hot mama.”

Ilan sa mga pumuri kay Melai ay sina Bea Alonzo, Dimples Romana, Carla Abellana, Jolina Magdangal, Vina Morales, Alex Gonzaga, Geneva Cruz, Darla Sauler at Direk Antoinette Jadaone.

Read more...