'Acrobat halikan' nina Derek at Ellen bentang-benta sa socmed; hati ang reaksyon ng netizens | Bandera

‘Acrobat halikan’ nina Derek at Ellen bentang-benta sa socmed; hati ang reaksyon ng netizens

Ervin Santiago |June 01,2021
facebook
share this

‘Acrobat halikan’ nina Derek at Ellen bentang-benta sa socmed; hati ang reaksyon ng netizens

Ervin Santiago - June 01, 2021 - 02:19 PM

AGAW-EKSENA na naman sa social media ang engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil sa bago nilang paandar.

Matapos maging hot topic sa socmed ang two-piece bikini selfie ng dating sexy star at ang back and butt post ni Derek sa kani-kanilang Instagram account, usap-usapan naman ngayon ang kanilang kissing photo.

Unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang “flexibility” pagdating sa pagwo-workout sa pamamagitan ng tinatawag na “elaborate kissing-while-doing-yoga” pose.

Dito makikita ang pagyo-yoga ng dalawa sabay halikan gamit ang iba’t ibang posisyon.
Pinusuan at ni-like ito ng kanilang followers. Marami pa nga ang nagsabi na gagayahin nila ito kasama ang kanilang mga dyowa.

At mukhang kinakarir na nga nina Ellen at Derek ang ganitong klase ng workout kung saan napagsasama nila ang romance at fitness goals.

Sa bagong Instagram post ni Ellen,  isang photo collage ang ibinandera niya sa kanyang followers kung saan makikita nga sila ni Derek na naghahalikan habang buhat-buhat siya ng aktor mula sa kanyang mga hita.

Tanging mga hashtag #workinout, #annoyingcouple, #effort, #feelingyoung, #walangmagawa, at #stayathome ang inilagay niya sa caption ng mga litrato.

Nag-post din si Derek sa IG ng isang  photo na katulad ng ibinahaging litrato ni Ellen at nilagyan ito ng caption na, “Why?????????” na sinundan ng napakaraming monkey emojis.

Mahigit sa 100,000 likes na ang nakuha ng kissing photo with a twist nina Ellen at Derek. Libu-libo rin ang nagkomento sa tinawag nilang “acrobat kiss” ng magkarelasyon.

Marami man ang nangnega sa dalawa dahil nakaka-offend daw ang pinaggagawa ng mga ito sa socmed, mas marami pa rin ang naaaliw sa mga paandar nina Ellen at Derek lalo na ang mga nai-inspire sa kanilang fitness bonding.

Wala pang ibinibigay na detalye sina Ellen at Derek tungkol sa kanilang kasal ngunit nauna nang sinabi ni Ellen na simpleng kasalan lang ang gusto niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi raw talaga niya pinangarap kahit noong kabataan niya ang magkaroon ng bonggang-bonggang wedding. In fact, hindi rin daw niya feel noon ang magsuot ng wedding gown.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending