MASWERTE ka ba sa Year of the Wood Dragon o isa ka sa mga mabibiktima ng kamalasan ngayong 2024?
Sa darating na February 10, ipagdiriwang na ng buong universe ang Chinese New Year at ang bida-bida nga this year ay ang mga ipinanganak sa Taon ng mga Dragon.
Tulad ng nakagawian na natin sa tuwing sasapit ang Lunar New Year, ise-share namin sa inyo dear BANDERA readers ang inyong magiging kapalaran ngayong taon sa pamamagitan ng gabay at payo ng feng shui expert na si Master Hanz Cua.
RAT
Maganda ang pasok ng Wood Dragon sa inyo lalo na sa usaping pera at pakikipagrelasyon dahil sa Feng Shui Prosperity star.
Pero kailangan n’yong bantayan ang inyong kalusugan lalo na sa mga may problema sa respiratory health at immune system.
OX
Ito ang tamang panahon para mag-take ng risk dahil sa dami ng darating na opportunities kaya huwag matakot sumubok ng mga bagay na hindi mo pa nagagawa ever dahil may naghihintay na reward para sa iyo.
Magiging maswerte ka rin sa relasyon kapag nagsuot o nagdala ng rose quartz. Sa kalusugan, mainam na magkaroon ng the medicine Buddha sa bahay na nakapuwesto sa southeast part ng iyong kwarto – may therapeutic benefits daw ito.
TIGER
Siguruhing sa bawat plano ay magkaroon ng Plan A at Plan B lalo na pagdating sa trabaho at negosyo na mas bongga kung gagawin ngayong February o sa April. Lumabas sa comfort zone.
Ito rin ang perfect time para sa mga mag-asawang gustong dagdagan ang kanilang anak. Sa kalusugan, make sure na meron kang regular health check-up at monitoring ng vital metrics, tulad ng blood pressure.
RABBIT
Pairalin ang self-confidence at self-belief sa lahat ng oras dahil may mga challenges sa pag-handle ng emotions. Maaaring magpa-love tarot reading sa buwan ng Mayo para sa effective na pagharap sa “emotional complexities” ng buhay.
Ito rin ang tamang panahon for successful ventures.
DRAGON
Para sa mga isinilang sa Year of the Dragons, makakatulong ang self-awareness sa mga major plans ngayong taon. Ipagpatuloy lamang ang sinimulang holistic health practices, mula sa healthy eating to regular physical activity.
Pagtuunan ang self-growth at iba pang personal na pangangailangan.
SNAKE
Dapat bigyan ng sapat na atensiyon ang kalusugan upang maiwasan ang anumang sakit. Mas palakasin pa ang immune system at simulan na ang balanced lifestyle.
Maaaring maapektuhan ng pagpapabaya sa kalusugan ang personal relationships. Nandiyan lang sa tabi-tabi ang lovelife, basta siguruhin lang na wala ka nang isyu sa past at sa sarili mo.
HORSE
Warning! Maraming magtatangkang mang-scam at manloko sa yo kaya mag-ingat sa mga taong oportunista.
Paalala ni Master Hanz, pag-aralan mabuti kung magpapautang sa mga taong mangangakong magbabayad agad. Ganito rin ang payo niya pagdating sa pakikipagrelasyon dahil posibleng ma-ghost ka lang.
For your health naman, alagaan ang iyong kidneys. Magpa-check na kung may nararamdaman.
GOAT
Kakampi n’yo ang Fertility star sa zodiac cycle. Ito na ang tamang panahon para palawakin ang inyong network at iba pang business ventures. Make sure na mag-display ng Dragon symbols at Feng Shui Wealth Ship.
Posibleng matupad n’yo rin ang matagal nang planong mag-travel para makapag-recharge “to rejuvenate your well-being.”
MONKEY
Huwag basta-basta magdedesisyon sa mga bagay kung saan nakasalalay ang iyong future. Maging maingat dahil kapag nakuha mo ang tamang timpla ng balanseng buhay tiyak ang pagdating ng iyong suwerte.
Pagdating naman sa relationship, siguruhing maglaan ng sapat na oras para sa mga mahal sa buhay.
ROOSTER
Spell swerte? Yan ang naghihintay sa mga isinilang sa Year o the Rooster dahil ayon sa Chinese Zodiac, BFF ng Dragon ang Rooster. Mas maraming darating na opportunities pero kailangan din pag-aralang mabuti kung ano ang iyong tatanggapin.
Lucky din kayo sa love lalo na sa buwan ng April, July at November.
DOG
“Resilience” at “determination” ang magic words para sa mga ipinanganak sa Year of the Dog, ayon kay Master Hanz. Kahit na challenging ang taong ito dahil sa “direct clash with the Dragon,” mas lamang pa rin ang tagumpay kung may pagtitiyaga.
Pag-isipan ding mabuti ang bawat desisyon na may kinalaman sa relasyon. Huwag balewalain ang mga hinaing at reklamo ng iyong partner. Magpa-general medical check-up din.
PIG
Tulad ng Rooster, maganda ang relasyon ng mga Pig sa Dragon. Ituloy na ang planong pag-e-exam para sa school o trabaho pero siguruhin lang na handang-handa ka na.
Ganu’n din sa inyong mga trabaho, ipakita sa inyong mga boss na karapat-dapat kayong bigyan ng promotion at increase sa sweldo.
Mahalaga at kritikal ang oras para sa mga Pig kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa, kilos na! Now na!
Muli, ipinaaalala namin na ang lahat ng ito ay mga gabay lamang, maaari mong sundin o dedmahin. Mayroon tayong freewill kung paano tayo susuwertihin o mamalasin.