Cristine napipikon pag inaasar sa dialogue niyang 'Ano 'ko cougar?'

Cristine napipikon pag inaasar sa viral dialogue niyang ‘Ano ‘ko cougar!?’

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Cristine napipikon pag inaasar sa viral dialogue niyang ‘Ano ‘ko cougar!?’

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 10:30 AM

Cristine napipikon pag inaasar sa viral dialogue niyang 'Ano 'ko cougar!?'

Cristine Reyes at Marco Gumabao

ASAR-TALO si Cristine Reyes sa panunukso ng mga kaibigan tungkol sa mga rebelasyon niya noon kay Marco Gumabao.

Kinain kasi ng aktres at celebrity mom ang mga sinabi niya noong nali-link sa kanya si Marco na boyfriend na nga niya ngayon.

Binalikan ng magdyowa ang eksenang ito nang mag-guest sila sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan inamin ni Cristine na totoong hindi niya napanindigan ang binitiwang salita noon.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao nakikita ang ina kay Cristine Reyes: ‘Alam mo Love, parehong-pareho kayo ng nanay ko!’

Nabanggit ng aktres sa panayam din ni Tito Boy noong 2019 na pang-“tropa” lang sa kanya si Marco with matching dialogue na, “Ano ako, cougar?” That time ay 30-years-old si Cristine habang 24 naman si Marco.

Nag-viral ang nasabing quote ni Cristine at nagkaroon pa ng mga memes nang ibandera na nila sa buong universe ang kanilang relasyon.

Nag-post ang aktres ng photo nila ni Marco last year na may caption na, “Definitely not Tropa anymore” kasunod ang peace sign, heart at finger heart emojis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Imperial Gumabao (@gumabaomarco)


“Kasi noong time na ‘yon, talaga namang way younger si Marco sa akin. Feeling ko, kung tatanungin mo ako noong time na ‘yun, same answer pa rin. Pero ngayon kasi…” ang biting paliwanag ni Cristine.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Dito na nga humirit si Marco at ibinuking na totoong naaasar si Cristine kapag pinadadalhan siya ng mga kaibigan ng mga viral memes tungkol sa sinabi niya noon.

“All her friends were messaging her, naiinis siya, napipikon talaga siya. Kasi kapag nakikita mo ‘yung hitsura niya napipikon siya kapag sine-send ng mga tao o inasar siya. Parang kinain niya ‘yung sinabi niya,” ang natatawang chika ni Marco.

“Pero okay lang naman ‘yun. Ganoon talaga tayo na we say things na binabawi natin,” bawi ng hunk actor.

Sey naman ni Cristine, “Kaya sobrang careful na ako na magsalita kasi baka bumalik ulit sa akin.”

Sa tanong naman ni Tito Boy kung napag-uusapan na rin ba ng celebrity couple ang tungkol sa kasal, sagot ni Marco, “Of course!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta ang usapan namin, is ‘yung future together. Pero ‘yung details, of course pakaunti-unti, pero ‘yung longer view ‘yun ang napag-uusapan,” sey pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending