Pinoy model-host Chris Wycoco malaking tulong sa mga Pinoy sa US
LIKAS sa mga Pilipino ang pagiging masikap hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Kasama na rito ang pagsi-save ng pera at paggastos nang tama. Kasabay nito, lalo na sa mga kababayan natin sa US, napakaimportante ang usaping taxation.
Kumpara sa Pilipinas, ang usaping ito ay mas complicated. Kaya naman mas mainam na humingi ng tulong sa pag-manage ng kanilang finances sa mga kamay ng US tax guru na si Chris Wycoco.
Si Chris ang owner ng Wycotax, isang kumpanya ng tax preparation at assistance sa US na pumupuno sa agwat sa serbisyo ng accounting para sa maliliit at katamtamang laki ng mga business entities.
Baka Bet Mo: Message ni Aicelle Santos sa bashers: You’re very welcome to unfollow!
Bilang isang business developer, ibinahagi niya ang kanyang kaalaman sa pag-improve ng cash flow at pagbawas sa binabayarang buwis sa negosyo sa mga Filipino business owner sa US.
View this post on Instagram
Ang layunin ng Wycotax bilang isang eksperto sa taxation at pag-manage sa negosyo ay babaan ang mga gastos, bawasan ang mga buwis at pataasin ang daloy ng pera ng mga negosyo ng kanilang kliyente. Hinahati ito ni Chris sa tatlong yugto:
1. Pagtaas ng credit limit ng negosyo na makakatulong sa availability ng cash flow.
2. Ang Wycoco tax ay tututok sa pagbawas ng babayarang buwis ng mga businesses, sa ari-arian, mga sales taxes at gayundin ang mga buwis ng estado at federal.
3. Pagbawas ng mga buwis sa payroll dahil isa sa mga pangunahing gastos ng isang negosyo ay ang pagbibigay ng suweldo.
Ang mga manggagawang Pilipino at may-ari ng negosyo ay higit na naniniwala sa isang kapwa Pilipino tulad ni Chris.
Iba’t ibang indibidwal ang umaasa at nagtitiwala sa kanya at sa kanyang kumpanya. Ang kanyang Wycotax na cloud-based na accounting at mga serbisyo sa pagkonsulta sa buwis ay nag-aalok ng walang pag-aalala, buong taon na suporta sa automation, organization, at pakikipagtulungan.
Sa kanilang tulong, ang mga negosyo ay mananatiling competitive at nabibigyan ng solusyon sa tamang oras.
Ang mga may-ari ng negosyong Pilipino at iba pang nasyonalidad ay maaaring makipag-ugnayan sa Wycotax para sa tuluy-tuloy na mga karanasan sa accounting na idinisenyo upang mapakinabangan sa pag-asenso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.