Pagdya-jogging nina Kathryn at Jericho walang malisya

Pagdya-jogging nina Kathryn at Jericho walang malisya: He’s such a nice guy

Ervin Santiago |February 04,2024
facebook
share this

Pagdya-jogging nina Kathryn at Jericho walang malisya: He’s such a nice guy

Ervin Santiago - February 04, 2024 - 09:00 AM

Pagdya-jogging nina Kathryn at Jericho walang malisya: He's such a nice guy

Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

WALANG malisya at malalim na kahulugan ang pagdya-jogging na magkasama nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.

Kinumpirma ni Kathryn na totoong nagkasama sila ni Echo sa isang night jog session na nag-viral at nag-trending pa nga sa social media.

Kuwento ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla, ang kaibigan niyang si John Manalo ang nag-imbita sa kanya na mag-join sa night workout nila ng kanyang uncle na si Jericho.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre na-bad trip sa nagsabing cheater ang dyowa: ‘Di ba siya pwedeng magka-friends na girls? Di ko kaya backwards mentality mo teh!’

“Si John Manalo, is a good good friend of mine. Ano pa Goin’ Bulilit days so nagkita kami nu’n kasi magwo-work out talaga ako that day.

“Tapos na-mention niya magdya-jogging, sabi niya, ‘Gusto mo sumama?’ Then I said, ‘Okay. Why not?’

“Kesa mag-work out ako mag-isa, so nag-jogging kami. It was mga 11 late na, and then we were just having fun and working out, ayun lang,” paliwanag ni Kathryn sa panayam ng “TV Patrol” last February 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Paglalarawan naman ni Kathryn kay Jericho at sa kagustuhan ng aktor na magkatrabaho sila in the future, “He’s such a nice guy. Sobrang bait niya. Ayaw mo ba makatrabaho ‘yung ganu’n. So let’s just see.”

Nang mag-viral ang night-jog photos nina Echo at Kath, marami ang nag-akala na may “something” nang namamagitan sa kanila, lalo pa’t kalat na ang balitang hiwalay na rin si Jericho sa kanyang asawang si Kim Jones.

Baka Bet Mo: Jericho ibinandera ang OOTD sa loob ng ‘kulungan’, nakaposas pa: ‘I’m just very happy to be acting in front of the camera again’

Marami naman ang nag-request sa Star Cinema at ABS-CBN na pagsamahin sa isang project ang dalawa matapos ngang sabihin ni Echo na type niyang maka-work si Kath.

Sa muling pagpirma ng exclusive contract ni Kathryn sa ABS-CBN, binati nga siya ni Jericho, “I want to congratulate you for the steps that you’ve been taking.

“I’ve been watching you and you’ve been doing great. And I hope that we can work on something someday, and let’s work on that promise,” ang mensahe ng aktor kay Kath na talaga namang kinakiligan ng mga fans.

Sabi naman ni Kathryn sa kanyang contract signing, “I remember in 2020, I made a promise, sinabi ko sa ABS-CBN na ‘di kita iiwan at nandito lang ako hanggang makabangon ka ulit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And today, here I am fulfilling that promise. Ang daming nangyari sa ABS-CBN but mahal ko, eh. Mahal ko sobra ‘yung kumpanya and together we will rise despite all the challenges,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending