Perlas Pilipinas binigo ng Malaysia | Bandera

Perlas Pilipinas binigo ng Malaysia

Mike Lee - October 30, 2013 - 08:44 PM

NAGBAYAD ang Perlas Pilipinas sa masamang inilaro sa ikatlong yugto para lasapin ang unang pagkatalo sa Malaysia, 60-56, sa 2013 FIBA Asia Championship for Women kahapon sa Bangkok Youth Center sa Bangkok, Thailand.

Limang puntos lamang ang ginawa ng Nationals sa nasabing yugto para maiwanan ng 11 ng Malaysians, 47-36, papasok sa huling sampung minuto ng labanan.

Napababa pa naman ang kalamangan sa dalawa, 57-55, sa huling 50 segundo pero matapos ang buslo ni Shin Min Yong ay tumugon lamang ng split free throw si Joan Grajales sa sumunod na play para sa 59-56 kalamangan.

Si Yong ang nagselyo sa panalo ng Malaysia sa isang split free throw.

Ang pagkatalo ng tropa ni coach Haydee Ong ay nangyari matapos ang kahanga-hangang 65-59 panalo sa host Thailand noong Martes ng gabi.

Magkasalo ngayon ang Pilipinas at Malaysia sa unang puwesto sa 3-1 baraha habang inaasahang aakyat din sa nasabing puwesto ang Thais na kalaro ang Indonesia kagabi.

Kailangan ng Pilipinas na manalo ngayon sa Indonesia para umabante sa qualifying round para sa Level I slot sa susunod na edisyon.

Tinalo ng Thailand ang Malaysia ng apat na puntos sa kaparehas na 60-56 iskor kaya’t ang Pilipinas ang magkakaroon ng magandang quotient para umabante sa preliminary round.

Ang mangungunang dalawang koponan sa Level II ang makakaharap ng dalawang mangungulelat na koponan sa Level I sa playoff para malaman kung sino ang makakasama sa mas mataas na grupo sa susunod na edisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending