NANINIWALA ba kayo sa “reincarnation“? Yan din ang tanong ng isang TikTokerist nang tumambad sa kanya ang portrait ng isang babae.
Viral ngayon ang isang video sa TikTok na ipinost ng isang nagngangalang Veronica Balayo nitong nagdaang Sabado, January 27.
“Am I her reincarnation?” ang inilagay niyang caption sa video kung saan makikitang katabi ni Veronica ang portrait ng babaeng kamukhang-kamukha niya.
Nabatid na ang naturang portrait ay naka-display sa National Museum of Fine Arts.
“Visited the National Museum and found this photo of a girl (who) looks like…(me),” dagdag pa ni Veronica.
Baka Bet Mo: Tom guguhit for a cause: tutulong sa street vendor, driver, construction worker
May mga friends daw siya na nag-akalang pina-prank lang niya ang mga ito.
Base sa ulat, ang babae sa portrait ay ang ina ng historian at professor ng history at humanities sa Ateneo De Manila na si Ambeth Ocampo.
Sa isa namang panayam kay Veronica, sinabi niyang taga-Davao siya at ito ang unang pagkakataon na bumisita siya sa National Museum.
Habang nag-iikot nga sila sa loob ng museum, nakita niya ang naturang portrait, “After seeing the photo, sinabi ko sa officemate ko bakit parang ako?”
Um-agree naman daw ang mga officemates niya, “And then yun na, nag-picture ako together with the photo without even knowing kung sino yun.”
“I think it was an immediate reaction, like very quick realization, na parang hawig ko siya. And after that, I can’t stop looking at our photo,” ang pahayag pa ni Veronica sa naturang panayam.
Baka Bet Mo: Ryza Cenon naniniwala sa reincarnation: ‘Kung meron ngang good psychic, gusto kong malaman ang past life ko dahil…’
Kaya naman hindi niya maiwasang tanungin kung ito nga ba ang kanyang second life. Pero aniya, feeling honored siya kung totoo mang siya ay produkto ng reincarnation ni Belen Ocampo sa makabagong panahon.
Matapos mag-viral ang TikTok entry ni Veronica ay nag-post naman si Professor Ambeth ng screenshots ng video ni Veronica sa kanyang Facebook account nitong nagdaang January 28.
Aniya sa caption ng kanyang FB post, “Trending on Tiktok video this morning was the post of Veronica Balayo, a recent visitor to the National Museum who resembles a photo-oleo of my mother from the 1950’s!
“The video has earned over 400,000 likes!”
Narito naman ang mga reaksyon ng netizens sa viral “reincarnation” video ni Veronica.
“Hala! Parang copy-paste. Maybe reincarnation is true,” sey ng isang netizen na sinagot naman ni Veronica ng, “What iffff.”
“Wow, amazing!”
“Want to hear more of this. Hope you can see each other in person. There might be a connection between you and her, sir.”
“Grabe kamukhang kamukha… hindi kaya magkamaganak kayo?”