Tom guguhit for a cause: tutulong sa street vendor, driver, construction worker | Bandera

Tom guguhit for a cause: tutulong sa street vendor, driver, construction worker

Ervin Santiago - April 14, 2020 - 09:49 AM

PARA mabigyan ng karagdagang ayuda ang mga PUV driver, street vendor at construction workers, may naisip na bonggang paandar si Tom Rodriguez.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, ibinahagi ng Kapuso hunk ang kanyang munting fundraising project para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa bansa.

Ito ang “GUHIT PANTAWID: Portraits for a Cause” kung saan lahat ng magdo-donate ay bibigyan ng “regalo” ni Tom na maaaring i-treasure for the rest of your life.

Sa minimum donation amount na P500, iguguhit ni Tom ng online portrait ang mga magdo-donate sa  mga nasabing beneficiary.  

Maaaring ipaabot ang tulong na pinansyal sa mga sumusunod na Facebook groups: SuperTsuper for Drivers,  #PasokMgaSuki for Street Vendors, at Tulong sa Construction Worker for Construction Workers.

Para ma-claim ang online portrait, sagutan ang Google Form na bit.ly/guhitpantawidkalakip ng donation slip at portrait reference photo hanggang April 17.

Sabi ng fans sa boyfriend at leading man ni Carla Abellana sa seryeng Love Of My Life actor, isang napakagandang paraan ito para gamitin ang talento niya sa pag-guhit.

Mensahe naman ni Tom sana’y mas marami pa ang mag-donate para mas marami pa silang mabigyan ng tulong at nawa’y marami pang Pinoy na ma-inspire at tumulong sa lahat ng nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending