Ryza Cenon naniniwala sa reincarnation: 'Kung meron ngang good psychic, gusto kong malaman ang past life ko dahil...' | Bandera

Ryza Cenon naniniwala sa reincarnation: ‘Kung meron ngang good psychic, gusto kong malaman ang past life ko dahil…’

Ervin Santiago |April 17,2023
facebook
share this

Ryza Cenon naniniwala sa reincarnation: ‘Kung meron ngang good psychic, gusto kong malaman ang past life ko dahil…’

Ervin Santiago - April 17, 2023 - 07:14 AM

Ryza Cenon naniniwala sa reincarnation: 'Kung meron ngang good psychic, gusto kong malaman ang past life ko dahil...'

Xian Lim at Ryza Ceno

THREE years in the making pala ang pelikula nina Ryza Cenon at Xian Lim, ang Sa Muli” under Viva Films at mula sa panulat at direksyon ni Fifth Solomon.

In fairness naman kay Ryza, mula nang magdesisyon siyang bumalik sa showbiz makalipas ang ilang taong pamamahinga mula nang mabuntis at manganak, ay hindi na siya nawalan ng trabaho.

Bukod sa mga TV projects sa ABS-CBN at TV 5, ipinalabas din last month sa mga sinehan ang pelikula nila ni Joseph Marco na “Kunwari Mahal Kita” na ipinrodyus din ng Viva Films.

At bago pa magbabu ang buwan ng Abril, ipalalabas naman sa mga sinehan nationwide simula sa April 26 ang fantasy romance na “Sa Muli” kung saan makakatambal niya for the first time si Xian Lim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I’m really so happy with the big projects that Viva is giving me. And on TV, I am also given the chance to do comedy in ‘Kurdapya’ with Yassi Pressman, now being shown on TV5,” sabi ni Ryza sa presscon ng “Sa Muli” last Thursday, April 13.

Kuwento ng aktres tungkol sa nasabing pelikula, “It’s about reincarnation. Three years in the making ang movie na ito. We started shooting the film in 2020 then biglang nagka-lock down so we had to stop.

“Tapos, I got pregnant and nanganak ako. We were able to resume the shoot only last year and finally, heto, natapos din at ipapalabas na,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

“Napakaganda ng story. Madadala ang viewers sa journey nina Elly ande Pep and will surely root for their love story.  You will aurely laugh and cry when you watch the movie,” pagmamalaki pa ng aktres sa movie nila ni Xian.

Kumusta naman katrabaho si Xian Lim? “As a co-actor, he is very supportive. When I was shooting a very important dramatic scene, nahihirapan ako as wala akong ka-interact.

“E, si Xian, na-pack up na, so ipinatawag ko siya, pinabalik ko para mas maramdaman ko yung mabigat na eksena.

“At pinabigyan naman niya ako, he returned, at dahil doon, naitawid ko yung scene. Napakagaan niyang katrabaho. We’re like old friends on the set. Ang feeling ko, baka in a previous life, naging magkaibigan talaga kami,” pagbabahagi pa ni Ryza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tungkol naman kay Direk Fifth, “First time ko rin with him and just like Xian, magaan siyang katrabaho. Cool lang siya sa set.

“Ang maganda, he himself wrote the script, kaya alam niya exactly what he will require from us ni Xian para magawa namin nang maayos ang bawat eksena, naipapaliwanag niya nang maayos,” sabi pa ng celebrity mom.

Natanong din si Ryza kung naniniwala ba siya sa reincarnation, “Yes, I believe in reincarnation. Kasi di ba, parang may instances na nangyayari sa’yo but feeling naganap na before.

“Kung meron ngang good psychic, I’d really want to find out more about my past life. Baka makatulong in my present journey, you’ll never know, di ba?” sabi ni Ryza na nauna na ring umamin na may third eye pero tumanggi siyang buksan pa ito.

Samantala, wala pang plano si Ryza at ang partner niyang cinematographer na si Miguel Cruz na magpakasal. Mas gusto muna nilang pagtuunan ng pansin ang anak nilang si Night na 2 years old na ngayon.

Nais din nilang matapos muna ang pagpapatayo ng sarili nilang bahay, “Yun muna ang priority namin, to have our own dream home. Okay naman kami ngayon but later, who knows, we might to formally get married. Paghahandaan muna naming mabuti.”

Xian Lim umaming naging ‘stalker’ ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending