Sharon binigyan ng offer, may upcoming Hollywood series: I wanna do this!
MAY exciting news si Megastar Sharon Cuneta!
Ibinandera niya sa social media na binigyan siya ng bagong proyekto sa abroad.
Ayon sa kanya, posible siyang tumampok sa isang Hollywood series na kasalukuyang niluluto.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Sharon ang ilang screenshots ng conversations at mababasa roon na binanggit ang ilang detalye para sa upcoming project niya sa Los Angeles, California.
Base sa kanyang post, inaayos na ng US management ni Sharon ang kanyang schedule.
Tatagal kasi ang paggawa ng nasabing proyekto simula Mayo hanggang Disyembre.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang
Sabi ni Sharon, gusto niya talagang gawin ang proyekto at kung sakaling matuloy siya ay isasama niya ang buong pamilya sa United States.
“From my U.S. management. I think I wanna do this! But waiting for my [schedule] pa here,” caption niya.
Wika pa niya, “‘Pag natuloy ito hay salamat malalayo ako ng konting tagal sa Pilipinas sama ko pamilya ko.”
Nabanggit din ng Megastar ang ilan pa sa mga aabangan sa kanya for this year – ang pagbibidahang bagong pelikula at concert tour.
“Thinking hard and praying pa. I have a movie that is supposed to start filming soon, plus a concert tour, solo or not doesn’t matter to me! I want this but I have previous commitments. Let’s see,” aniya
Kung maaalala noong 2021 nang ibinunyag ni Sharon na kasama sana siya sa Hollywood movie na pagbibidahan ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy.
Pero ito ay napurnada at hindi natuloy dahil nagpositibo siya sa COVID-19 test result.
Ang role sana ng batikang singer ay bilang supportive tiyahin ng magiging karakter ni Jo Koy.
Ang huling movie naman ni Sharon ay ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na “Family of Two” kasama si Alden Richards.
Ang ginampanan diyan ng singer-actress ay bilang ina ng aktor.
Samantala, ilan sa Pinoy celebrities na sumabak at pinasok ang Hollywood scene ay ang batikang aktres na si Dolly de Leon, Liza Soberano, at Ruby Ruiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.