Kris Aquino inilalakad sina Bimby, Josh na maging model ng damit

Kris Aquino inilalakad sina Bimby, Josh na maging model ng damit

Pauline del Rosario |January 28,2024
facebook
share this

Kris Aquino inilalakad sina Bimby, Josh na maging model ng damit

Pauline del Rosario - January 28, 2024 - 10:32 AM

Kris Aquino inilalakad sina Bimby, Josh na maging model ng damit

PHOTO: Instagram/@krisaquino

HABANG wala pang napag-uusapang trabaho para kay Bimby, inilalapit ni Kris Aquino ang dalawang anak sa kanyang longtime friend at celebrity stylist na si Patty Yap.

Ang rekomendasyon ng Queen of All Media, gawing model sina Bimby at Josh sa clothing line ni Patty.

Ang pahayag na ‘yan ni Kris ay kasunod ng anunsyo niya na uuwi ang bunso niyang anak sa Pilipinas sa susunod na buwan upang magtrabaho at para tumulong sa kanyang medical bills.

Sa latest Instagram post ni Kris, makikita na nagpaabot ng “get well soon” message ang celebrity stylist.

Nag-reply sa kanya ang dating TV host at doon na niya inilahad ang kanyang proposal.

Baka Bet Mo: Kris Aquino hirap nang maging strong, humingi ng lakas sa ina

“Patty, Bimb can model for your line as well as Kuya Josh (he’s already lost 60 lbs),” sey niya kay Patty.

Wika pa niya, “Do you realize we’ve known each other for 16 years? Because Bimb was a toddler, Alexa would knock on our door to ask if he could play.”

“Next time you’re here, please visit?” mensahe pa ni Kris.

HABANG wala pang napag-uusapang trabaho para kay Bimby, inilalapit ni Kris Aquino ang dalawang anak sa kanyang longtime friend at celebrity stylist na si Patty Yap.

PHOTO: Screengrab Instagram/@krisaquino

Maaalalang taong 2018 pa nang nakikipaglaban sa multiple autoimmune diseases ang dating TV host.

Kasalukuyan siyang naninirahan sa Orange County sa California para sa kanyang medical treatments.

Mula pa noon ay naging vocal na si Kris na patuloy siyang lalaban para gumaling at dahil na rin sa dalawa niyang anak.

“Sorry to disappoint, but buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh and Bimb still need me,” saad niya sa isang post noong 2022 matapos kumalat ang pekeng balita na pumanaw na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lamang sa kanyang health update, sinabi ni Kris sa publiko na meron na namang nagma-manifest na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan – ang lupus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending