Pokwang nag-sorry sa DOJ, BI: Pasensya na po

Pokwang nag-sorry sa DOJ, BI: Pasensya na po sa bugso ng aking damdamin

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 09:50 AM

Pokwang nag-sorry sa DOJ, BI: Pasensya na po sa bugso ng aking damdamin

Pokwang, Lee O’Brian at Malia

NAGPAKUMBABA si Pokwang sa lahat ng taong na-offend sa naging pahayag niya tungkol sa deportation case laban sa dating partner na si Lee O’Brian.

Humingi ng paumanhin ang komedyana sa Bureau of Immigration na pinamumunuan ni Commissioner Norman Tansingco at kay Secretary Boying Remulla ng Department of Justice.

Nag-post ng open letter si Pokwang kung saan ibinalita nga niya ang development sa deportation case na inihain niya sa tanggapan ng BI para mapalayas na si Lee O’Brian sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid: I didn’t lose my sister… I just got a new angel

Ipinost ni Pokey sa kanyang Instagram account ang kanyang litrato kasama si Lee at ang anak nilang si Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Una po sa lahat, nais ko po sanang magpasalamat sa Bureau of Immigration para sa kanilang mabilis at patas na resolusyon sa aking petisyon na maipadeport si William Lee O’Brian. Masaya ako at ang aking mga anak sa naging desisyon ng BI,” ang simulang caption ni Pokwang sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa ng komedyana, “Sa mga dokumento na dumating sa akin, nalaman ko na naghain ng Motion for Reconsideration si Lee noong December 28, 2023.

“Buo ang tiwala ko na sa amin pa rin papanig ang hustisya dahil nasa aming panig ang katotohanan,” aniya pa.

Ayon kay Pokey, hindi biro ang kanyang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan sa pagiging single parent, “Aaminin ko na napakahirap ang pinagdadaanan kong ito – may mga araw na napangungunahan ako ng inis at galit.

Baka Bet Mo: Pokwang narindi na sa bashers: ‘Bakit pinoproblema niyo ang ‘di dapat?’

“Frustrated ako dahil gusto ko nang mapaalis si Lee sa ating bansa sa lalong madaling panahon.

“Nalaman ko noong isang araw na nag-file din ng Motion for Voluntary Deportation si Lee noong January 10, 2024. Wala pa kaming kopya nitong Motion na ito.

“Naging mabigat ang aking saloobin mula ng nagkaproblema kami ni Lee, at nagpatuloy pa ito kahit nanalo na kami sa deportation case laban sa kanya. Dahil na din siguro ito sa mga limitasyon ko bilang tao, bilang solo parent na nagtataguyod sa aking pamilya.

“Valid man itong aking mga nararamdaman, hindi ito sapat na dahilan para makapagsabi ako ng mga masakit at walang basehan na bagay sa aking kapwa, partikular sa ating mga kasamahan sa BI,” lahad ni Pokey.

Kasunod nito, nag-sorry nga ang Kapuso TV host sa mga nasaktan dahil sa kanyang mga naging pahayag tungkol sa kaso ni Lee, “Humihingi po ako ng dispensa sa lahat, lalo na sa BI na pinamumunuan ni Commissioner Norman Tansingco at kay Secretary Boying Remulla na namamahala sa DOJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Naniniwala po ako sa proseso ng hustisya sa Pilipinas. Pasensya na po kung sa bugso ng aking damdamin, ay may mga nasasabi akong di kaaya-aya.

“Gusto ko din magpasalamat kay Atty. Rafael Calinisan at sa Calinisan Domino and Beron Law Office para sa kanilang galing at husay sa pag aasikaso ng aking kaso. Salamat sa pasensya at malasakit ninyo sa akin.

“Humihingi din ako ng paumanhin sa inyo dahil nailagay ko kayo sa alanganin dahil sa aking mga sinasabi.

“Pang huli, humihingi ako ng paumanhin sa taumbayan kung ako ay naging malupit sa aking mga nabibitawang salita.

“Patawad po, at sana ay patuloy po ninyo akong suportahan sa pamamagitan ng inyong pagunawa at panalangin,” mensahe pa ni Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan, sinabi ni Pokwang na nasa bansa pa rin si Lee sa kabila ng kautusan ng korte na ipa-deport na ang American actor mula sa Pilipinas. Aniya, mukhang may padrino raw ang aktor kaya nananatili pa rin ito sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending