Joross lucky charm ng blockbuster movies sa Pinas: I'm blessed

Joross sa pagiging lucky charm ng blockbuster movies sa Pinas: I’m blessed

Ervin Santiago |January 28,2024
facebook
share this

Joross sa pagiging lucky charm ng blockbuster movies sa Pinas: I’m blessed

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 08:08 AM

Joross sa pagiging lucky charm ng blockbuster movies sa Pinas: I'm blessed

Dingdong Dantes, Joross Gamboa at Marian Rivera

NANINIWALA kami sa pagiging “lucky charm” ni Joross Gamboa sa lahat ng mga pelikulang kasama siya na tumatabo sa takilya.

Ilang movies na kasi sa Pilipinas ang ginawa niya nitong mga nagdaang taon ang nagiging blockbuster at top-grosser dahil dinudumog ito ng manonood sa mga sinehan.

Pero ayon kay Joross, baka raw nagkakataon lang ang mga ito. Ayaw naman niyang ibandera sa buong universe na dahil lang sa kanya kaya kumikita nang bonggang-bongga ang mga pelikulang ginawa niya.

Baka Bet Mo: Babala ni John Arcilla sa publiko: May mga kasayahan na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya at kapitbahay

Sey pa ni Joross, mas naniniwala siya na isa siyang “blessed” na tao kesa sa pagiging suwerte o lucky charm.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)


Nakakahiya naman daw kasi sa mga lead stars na siya naman talagang pinanood ng mga tao.

“Mas naniniwala ako sa blessed. Blessed ako kasi napasama ako sa magagandang pelikula na tinatangkilik ng mga tao.

Baka Bet Mo: Joross may 3 pelikulang gustong idirek, bagay na bagay daw kina Alessandra, Angel, Judy Ann at Bea

“I am blessed to bless other people. To touch people’s lives,” ang sabi ng aktor sa panayam ng “TV Patrol.”

Kasama si Joross sa Top 3 highest-grossing Filipino movie of all time kung saan gumanap siya bilang kaibigan ng mga bida.

Nandiyan ang “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn at Alden Richards, at ito ngang latest na “Rewind” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na lahat ay mula sa Star Cinema.

Ka-join din siya sa tatlong pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz na tumabo rin sa takilya, ang “A Very Special Love”, “You Changed My Life” at “It Takes a Man and a Woman”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa riyan ang “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na lahat ay ipinrodyus din ng Star Cinema.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending