Babala ni John Arcilla sa publiko: May mga kasayahan na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya at kapitbahay | Bandera

Babala ni John Arcilla sa publiko: May mga kasayahan na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya at kapitbahay

Reggee Bonoan |January 04,2022
facebook
share this

Babala ni John Arcilla sa publiko: May mga kasayahan na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya at kapitbahay

Reggee Bonoan - January 04, 2022 - 04:51 PM

John Arcilla

DAHIL sa mga awards na hinakot ng pelikulang “Big Night” sa ginanap na 2021 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal ay lumakas itong bigla sa takilya.

Base ito sa tsika sa amin ng mga nakapanood sa pelikulang pinagbibidahan ni Christian Bables,  dahil marami na raw silang kasama sa loob ng sa sinehan.

Ang Ayala Malls Circuit Cinemas kung saan nanood ang mga kaibigan namin ay nagsabing marami raw silang nanood, hindi nga lang siya sure kung nagbayad o MMFF passes ang ginamit ng mga ito.

Kaya pala ang saya-saya ng isa sa cast members ng movie at nanalong best supporting actor na si John Arcilla dahil nabalitaan niyang gumaganda ang hatak ng “Big Night” at sabay post niya ng larawan niya sa pictorial ng pelikula.

Ang caption ni John ay, “MY BIG NIGHT Pictorial of Donato Rapido. Still in Cinemas but PLEASE OBSERVE THE PROTOCOLS for everyones safety. Huwag bawasan ang SAYA PERO dagdagan ang pag iingat. Para sa ating MENTAL HEALTH at para sa PROTECTION ng iba.”

View this post on Instagram

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


Nag-post din ang aktor ng video ng mga taong nagsasaya noong Bagong Taon na may caption na, “OMICRON ALERT. WALA NAMAN BUMABAWAL SATIN NA MAGSAYA. Pero may mga KASAYAHAN na pwedeng ikamatay ng iyong pamilya o kapitbahay. 

“Importante ang MENTAL HEALTH pero anong saysay nito kung MAMAMATAY KA SA VIRUS? ANGAL sa Lockdown PERO ANTIGAS NG ULO NATIN.”

Tama naman at kahit na hindi kasama ang mga probinsya sa Alert Level 3 ay tiyak na madadamay din ang mga nagsu-shooting doon dahil tiyak na maghihigpit nang todo ang LGU.

Anyway, additional info, hindi lang “Big Night” ang kumikita ngayon sa takilya dahil lumalaban din ang “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla mula sa Viva Films.

Pero nananatiling number one ang “ExorSis” mula sa TIN Can at Viva Films, “Love at First Stream” ng Star Cinema at Huwag Kang Lalabas” ng Obra Cinema.

Dingdong, John aktingan showdown sa ‘A Hard Day’, lumebel sa Korean version

John Arcilla inialay ang ‘Venice’ best actor trophy sa mga pumanaw na mahal sa buhay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending