Janno inakusahang pinabayaan si Ronaldo Valdez: ‘People are so…judging’
“JUDGMENTAL“. Ganyan tinawag ni Janno Gibbs ang mga taong nagsasabing pinabayaan niya ang namayapang ama na si Ronaldo Valdez.
Maraming nambato sa veteran comedian at direktor ng mga masasakit na salita dahil sa kontrobersiyal na pagkamatay ng kanyang tatay.
Ayon kay Janno, bago pa mamatay si Ronaldo, naayos na nila ang ilang misunderstandings sa pagitan nilang mag-ama at naniniwala siya na naiparamdam at naipakita niya ang lahat ng klase ng pagmamahal kay Ronaldo.
Baka Bet Mo: Hashtag Nikko: Sino bang nagkakalat na pinabayaan kami ni Arjo, ha? Sino ha?!
Kaya wala raw karapatan ang kahit sino na akusahan siya na pinabayaan niya ang kanyang tatay kaya humantong ito sa kamatayan.
“They didn’t even know that he was living with me. Parang pinabayaan, pinabayaan, bakit naman pinabayaan?
View this post on Instagram
“May nag-comment pa na bakit naman pinabayaan ni Janno, pinabayaan ng pamilya. Of course not. People are so judging. They think they know you,” ang pahayag ni Janno sa panayam ni Karen Davila na napapanood sa kanyang YouTube channel.
Mula raw nang maghiwalay ang kanyang mga magulang sa bahay na niya tumira ang yumaong veteran actor at magkasama sila hanggang sa huling hininga nito.
Kuwento pa ng komedyante at TV host, gumaling na raw ang prostate cancer ng ama pero nagsimula itong mahirapang kumilos at maglakad dahil sa “compression in his spine.”
Sa katunayan, naka-schedule na sanang magpa-surgery si Ronaldo after Christmas holidays ngunit mukhang hindi na nito nakayanan ang pinagdaraanang sakit.
Baka Bet Mo: Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok
Nabanggit pa nga ni Janno ang tungkol sa ipinost ng aktor sa Facebook na may kaugnayan sa kanyang kundisyon, “Sabi niya, ‘life is not fun anymore. Goodbye.’ Ganu’n. And we didn’t see that.”
Binura raw agad ito ng aktor dahil para sa kanya ang “morbid” ng mensahe. Nabasa na lang daw nila ito matapos pumanaw si Ronaldo noong December 17, 2023. Siya ay 77 years old.
View this post on Instagram
Hanggang ngayon ay ramdam pa rin daw ni Janno ang trauma nang kumalat ang isang video kung saan mapapanood ang pagresponde ng mga otoridad sa kuwarto ni Ronaldo kung saan siya natagpuan.
Masamang-masama pa rin ang loob nila sa pulis na kumuha ng video at sa ilang vloggers na nagpakalat nito sa social media. Bukod pa rito ang mga fake news na siya ang sinisisi kung bakit namatay ang kanyang tatay.
Naibahagi rin ni Janno ang naging pagbabago sa relasyon at buhay nila ng kanyang asawang si Bing Loyzaga mula nang mawala si Ronaldo.
“Ang nakakita lang sa state ng dad ko, was me and Bing. So I cannot leave Bing alone now for a long time. I have to come kaagad. Ako rin, hindi niya rin pwedeng iwanan.
“Even though we weren’t in this condition, kahit na noong separate kami ng units, I never lost value for Bing. She’s always been a great woman.
“She’s always been a great wife. Kahit na hindi kami okay, she would take care of me pa rin,” aniya pa.
Samantala, tanong kung ano ang mami-miss niya kay Ronaldo, yan ay ang pagbe-breakfast nila na magkasama.
“This past year that we were together, our morning breakfast. That was our time together. Aside from eating, ‘yung kwentuhan, honest man-to-man talk,” sey ni Janno.
Wala rin daw siyang nararamdamang guilt feeling sa pagkamatay ng ama, “Guilty, no, because I was taking care of him, I was with him everyday. So no guilt, no questions na what if I…what could have been. But deeply sad about it.
“Malagim na nga ‘yung nangyari, and then people added to it. The police, the netizens, the vloggers put salt on our wounds,” lahad ng TV host.
Ito naman ang mensahe niya kay Ronaldo Valdez, “I know he’s listening, so I’d like to say I hope you’re in a better place, no pain, and thank you for loving me.
“He knows he was loved. Not just by me, by his co-actors. Si Kathryn (Bernardo) loves him so much. They love each other very much. His grandkids love him very much. Because nga he’s not the typical father. He was very sweet, for a guy,” aniya pa.
Nitong nagdaang Huwebes, nag-post si Janno ng litrato nila ni Ronaldo sa Instagram para sa 40th day ng pagkamatay ng aktor.
Kuha ang naturang photo sa isang eksena nilang mag-ama sa pelikulang “Itutumba Ka Ng Tatay Ko.” Aniya sa caption, “Shooting this emotional scene w/ my Tatay was hard enough.
‘Watching it now is even tougher. Your presence in the film is undeniable. Today is the 40th day of his passing,” mensahe pa ni Janno Gibbs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.