JAMES YAP handa nang mag-asawa uli, nagtayo na ng sariling negosyo | Bandera

JAMES YAP handa nang mag-asawa uli, nagtayo na ng sariling negosyo

Ambet Nabus |October 31,2013
facebook
share this

JAMES YAP handa nang mag-asawa uli, nagtayo na ng sariling negosyo

Ambet Nabus - October 31, 2013 - 03:00 AM


Kami man ay na-surprise nang marinig namin mismo ang pagsasalita ng Tagalog ni Michaela Cazolla, ang girlfriend ngayon ni kumpareng James Yap.

Pero mas surprised ang dalagang karelasyon ngayon ng magaling na basketeer dahil sa umiikot na tsikang magpapakasal na sila this year. “Naku, hindi pa po. Wala pa kaming plano na ganyan.

Not even in the near future as we both agree na mag-enjoy muna sa mga respective careers namin at sa negosyo at sa aming good friendship na part ng relationship namin, ” ang bonggang paliwanag ni Michaela sa amin.

Nakakaloka siyang kausap kapatid na Ervin dahil talagang Tagalog na Tagalog ulitmo ang punto niya. Kinantiyawan tuloy namin si pareng James na daig pa siya ng GF niya dahil hanggang ngayon ay mayroon pa ring makapal na Visayan accent ang Tagalog niya. Ha-hahaha!

“Yes, kaya lagi kaming masaya kapag nag-uusap. Tisay na tisay kasi ang istura, seksi at maganda, foreigner na foreigner, pero talo pa ako sa Tagalog,” hirit pa ni James nang makasama namin sa opening ng kanyang negosyo na may kunek sa mga motor, ang Mototechnik sa may Valencia, San Juan.

Proud si pareng James na sabihing mahal na mahal talaga niya si Michaela at ito rin daw ang nagbibigay ng kakaibang sigla at inspirasyon sa kanya para mas maging mature at responsable sa buhay.

“Hindi na tayo bumabata. Basta masaya lang, walang stress at problemang matindi, okay na,” hirit pa ng PBA player.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending