Relasyong AI-AI-LUI VILLARUZ aprubado ni ANGEL AQUINO | Bandera

Relasyong AI-AI-LUI VILLARUZ aprubado ni ANGEL AQUINO

Ambet Nabus |October 31,2013
facebook
share this

Relasyong AI-AI-LUI VILLARUZ aprubado ni ANGEL AQUINO

Ambet Nabus - October 31, 2013 - 03:00 AM


IBA-IBANG klaseng “surprised” faces ang nakita namin these past few days courtesy of Rhian Ramos, Angel Aquino and Michaela Cazolla, at ilang mga kaibigan sa media.

Una nga diyan yung inakala naming pagpapakyut lang ni Rhian nang makausap namin noon sa presscon ng teleserye ng GMA na Genesis dahil wala pala itong kaalam-alam na hindi na pumirma ng kontrata sa GMA 7 ang dating leading man niya at good friend na si Richard Gutierrez.

“Akala ko lang talaga natapos yung show o nag-lay low lang siya. This is the first time na nalaman ko iyan,” sey pa nito sa amin kapatid na Ervin. “Nakaka-surprise talaga ang ganyang balita.

I hope he’s doing okay and I truly hope na makatrabaho ko uli siya in the future. Pero kung mas masaya na siya sa kanyang ginagawa ngayon, I’m also happy for him,” sey pa ng leading lady ngayon ni Dingdong Dantes sa Genesis.

Balitang na-surprise din si Angel Aquino nang mabanggit ng ilang kasamahan sa panulat na nagkakamabutihan na diumano ang ex-boyfriend niya ng ilang years na si Lui Villaruz at si kagandahang Ai Ai delas Alas.

“Nagulat siya as in. Matagal pa nga bago siya sumagot at nagbigay ng kanyang pahayag,” sey ng aming kausap. “Good luck” at sana nga raw ay madiscover ni Ai Ai ang pagiging “generous” friend ni Lui pagdating sa pagbibigay ng freedom and independence lalo na sa mga usaping pagmamahal sa sarili.

Balita kasing well-appreciated ni Ai Ai ang pagbibigay sa kanya ng mga payo sa buhay ng bagong kaibigan, tulad na lang ng sinabi nitong subukan daw ng Comedy Queen na mag-travel in various parts of the world ng nag-iisa para raw madiskubre nitong napakaraming pwedeng magpasaya sa kanya kahit solo lang siya.

Though wala pa naman talagang  namamagitang malisya kina Lui at Ai Ai, masaya raw si Angel kung sakali mang magkakaroon sila ng relasyon in the future.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending