Julia sa upcoming movie nila ni Aga: ‘Please give our film a chance’
SANA mabigyan ng pagkakataon.
‘Yan ang naging apela ng aktres na si Julia Barretto para sa upcoming movie na “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” kasama ang batikang aktor na si Aga Muhlach.
Kamakailan lang kasi, umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pagtatambalang bagong pelikula ng dalawa nang inilabas ang trailer.
Karamihan sa netizens, hindi sang-ayon sa takbo ng istorya dahil malayo raw masyado ang age gap nina Julia at Aga.
Dahil diyan, nakiusap na mismo ang aktres sa kanyang Instagram post kalakip ang ilang eksena sa bagong movie.
“Please give our film a chance,” caption niya sa post at idinagdag na ang romantic film ay ipapalabas na sa darating na February 7.
View this post on Instagram
Sa comment section, hati pa rin ang naging sentimyento ng netizens sa nasabing pelikula.
May iilan ang nagsasabi na hindi angkop ang romantic film, habang ang iba naman ay nagpahayag ng kanilang suporta at sinabing aabangan nila ito.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“I really want to watch because it’s you. It’s just that I don’t want to normalize older men going for younger women.”
“Aga is way too old. I agree, hindi illegal but hindi appropriate. Hindi ko kayang panoorin. Sorry po.”
“Someone on TikTok said your film is romanticizing grooming here in the philippines [skull emoji] I clearly think it’s just a film and LOL they’re just too woke lmfao”
“Can’t wait to see you on the big screen, Juju [red heart emoji].”
“Baka my twist ‘to, wag natin pangunahan ng negative.”
Mapapanood sa pasilip na ang role ni Julia ay bilang isang professional choir member, habang si Aga ay magsisilbing music conductor.
May eksena pa nga roon na tila magkakaroon ng one-on-one music lessons ang dalawa dahil sintunado ang karakter ni Julia.
Makikita rin ang isang eksena na hahalikan ni Julia si Aga pero ito ay tila iniwasan ng huli.
Tampok din sa “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” sina Cindy Miranda, Boboy Garrovillo, Nonie Buencamino, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Janine Teñoso, Jean Kiley, Mimi Marquez, Taneo Sebastian, Frost Sandoval at MJ Cayabyab.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.