Anyare...ANGELICA biglang minalas ang career nang maging dyowa si JOHN LLOYD | Bandera

Anyare…ANGELICA biglang minalas ang career nang maging dyowa si JOHN LLOYD

Cristy Fermin - October 31, 2013 - 03:00 AM


Tawa kami nang tawa sa naging kuwentuhan namin nina Richard Pinlac at Direk Ronald Carballo (na isa ring magaling na manunulat) sa “Cristy Fer Minute” (92.3 Nesw FM-AKSYON TV 41) nu’ng minsan.

Biglaan ang lahat, may idinulog lang na problema si kapatid na Ronald sa sinundan naming programa ni Kuya Raffy Tulfo, pero hindi namin siya pinaalis para makasama namin siya sa “CFM” sa pambihirang pagkakataon.

Napag-usapan siyempre namin kung sino-sino ang mga pambatong artista ng industriya mula nu’n hanggang ngayon, hindi nawala sa aming paksa sina Nora Aunor at Governor Vilma Santos, totoo naman kasing walang kakupas-kupas ang mga aktres na ito pagdating sa pagganap.

Pero nang mapag-usapan na ang mga kabataang artistang may itinatago ring husay sa pagganap ay lumutang ang mga pangalang Angel Locsin, Bea Alonzo, Carla Abellana, Sarah Geronimo at iba pa.

Bigla naming naalala si Angelica Panganiban, bakit kaya biglang parang naudlot ang pagiging aktres ng karelasyon ni John Lloyd Cruz, anyare?

Diretsong sabi ni Direk Ronald, “Nawalan siya ng ningning. Parang hindi na pambida si Angelica Panganiban, parang pangsahog na lang siya ngayon. Imagine, pang-late comedy show na lang siya ngayon?

Sinegundahan namin ang kanyang sinabi, totoo namang parang nawalan ng buhay ang karera ng dalaga, para siyang lobo na biglang inalisan ng hangin kaya biglang umimpis ang kanyang dating ngayon.

Napakahalaga ng imahe ng artista para sa ating mga kababayan. Mahalaga para sa kanila ang ugali ng artista, ang pakikiharap sa mga kababayan natin, ayaw nila sa mga nagmamaldita.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending