Destination wedding nina Bea at Dominic tuloy na sa 2nd quarter ng 2024
KUMPIRMADO nang sa second quarter ng 2024 magaganap ang bongga at inaabangang kasal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Ayon kay Dominic, ang napagdesisyunan nila ng kanyang fiancée ay isang destination wedding, meaning sa ibang bansa ito mangyayari.
Kinakarir na raw nila ngayon ni Bea ang wedding preparation at nasa proseso pa rin ng pagkumpleto sa listahan ng kanilang principal sponsors at iba pang kasama sa entourage.
The wedding is happening outside Metro Manila, the guest list is not yet complete, but our best friends, families, and relatives are going to be there,” aniya.
Pero inamin ni Dominic sa interview ng ABS-CBN na mas hands-on at tutok si Bea sa paghahanda sa kanilang wedding.
“I think naman sa lahat, mas hands on ang mga babae kasi nagtanong na rin ako sa mga kaibigan ko na mga lalaki.
“Kasi minsan ‘di ba, parang naaasar ‘yung mga babae kapag walang pakialam yung mga lalaki, pero actually hindi naman sa ganu’n,” sey ng negosyante at dating aktor.
View this post on Instagram
Paliwanag pa ng future husband ni Bea, “‘Yung mga kaibigan kong ikinasal, mas ganu’n din sila eh. Mas hands-on ‘yung mga babae. (Kami), basta may alak, okay na.”
Baka Bet Mo: Palawan pasok sa Top 10 Trending Travel Destinations ngayong 2024
Pero kahit na si Bea ang super busy sa preparasyon, may mga inputs at suggestions din naman siyang ibinibigay.
Nabanggit din ng negosyante at hindi na aktibong aktor na marami silang mga kaibigan ni Bea na gustong tumulong sa wedding planning and preparations, kaya nagpapasalamat siya sa mga ito.
Inamin din niya na may mga pagkakataon na naaasar sa kanya ang kanyang future wife dahil feeling daw nito ay hindi raw siya masyadong hands on sa preparasyon.
“Sometimes, she gets annoyed with me because she feels like I’m not too involved, but every woman has a dream wedding, and Bea has one.
“We’re just thankful that a lot of our friends are involved in this. It’s her dream (wedding) so I’m giving it to her, we’re doing it together,” pahayag pa ni
Dominic.
Nag-propose si Dominic kay Bea noong July, 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.