Actor-vlogger may kakaibang ‘sideline’ para buhayin ang pamilya?
HINDI namin sukat akalain na may kakaibang “sideline” pala ang actor-vlogger para mabuhay niya ang kanyang pamilya.
Maganda ang imahe ng actor-vlogger sa paningin ng netizens at pati na rin sa mga kasamahan niya sa showbiz na kahit wala siyang masyadong projects ay maayos niyang nabubuhay ang pamilya kasi malakas kumita ang YouTube channel niya.
“Oo naman hindi bababa sa P100k ang kita niya buwan-buwan,” say ng aming source.
Tsinek namin ang mga post ng actor-vlogger sa social media accounts niya at parang simple lang naman din silang pamilya dahil wala naman kaming nakikitang travels nila sa ibang bansa, pero mahilig silang mag-out of town at malaki naman ang bahay nila.
Si actor-vlogger ay may malaking plano sa buhay at gusto niyang maabot ito sa lalong madaling panahon kaya nagtanong-tanong daw siya sa mga kaibigang may sideline kung puwede siyang sumali at hindi naman siya nabigo.
Baka Bet Mo: Mga beki biglang nagkainteres kay Cedrick Juan matapos manalong best actor
“Sumakto ang pagsali ni (actor-vlogger) dahil matagal na pala siyang type ni (kilalang personalidad) at natanong na siya minsan sa mga kaibigan nito kaya nu’ng nagkita-kita sila may iniuwing 250k ang lolo mo,” kuwento ng aming kausap.
Napa-teka kami kasi nga si actor-vlogger ay family man at ang kilalang personalidad ay family man din, sa madaling salita kloseta ang personalidad?
“Ano ba, hindi ba’t matagal ng tsismis ‘yan? Kaya nga nabalitaan mo bang lumabas ‘yan kasama ang ka-trabaho nya, hindi di ba kasi naiilang siya na baka bumigay siya kapag inuman na.
“Kaya kapag lalabas si (kilalang personalidad), doon lang sa mga kilala siya at tago ‘yun lugar, kung baga secret hide out nila.
“Ang style nina (actor-vlogger at ni (kilalang personalidad) ay sa out of town sila lagi, sa rest house o villa ng pinagkakatiwalaang friends nagpupunta. Take note never sa hotels kasi naman ang daming ‘Marites’ di ba?” mahabang kuwento ng aming source.
Actually, limitado lang ang oras ng pagsasama nina actor-vlogger at kilalang personalidad dahil kailangan bago dinner time ay nasa kani-kanilang bahay na sila dahil kasabay nilang kumain ang kanilang pamilya.
“Madalas magkikita sila ng 10AM tapos maghihiwalay na ng 3PM,” say ng aming kausap.
In fairness, 250,000 sa limang oras hindi na masama ‘yun.
“Oo naman, e, minsan dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo, di ba maliwanag na 750k?” sambit pa ng source namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.