PAOLO CONTIS umalma na: Hindi ako SUGAROL o ADIK sa CASINO! | Bandera

PAOLO CONTIS umalma na: Hindi ako SUGAROL o ADIK sa CASINO!

Ervin Santiago |October 31,2013
facebook
share this

PAOLO CONTIS umalma na: Hindi ako SUGAROL o ADIK sa CASINO!

Ervin Santiago - October 31, 2013 - 03:00 AM


KALAT na kalat na nga ang chika na isa raw sa mga dahilan kung bakit naghiwalay sina Paolo Contis at Lian Paz ay dahil sa pagiging sugarol diumano ng Kapuso aktor.

Ayon sa mga tsismosa, lulong daw sa casino si Paolo at ito rin daw ang rason kung bakit unti-unti nang nauubos ang kanyang ipon.

Nauna nang nagsalita si Lian tungkol dito, aniya, hindi siya naniniwala na sugarol si Paolo at kahit noong nagsasama pa sila ay wala siyang matandaang nagtalo sila dahil sa casino.

Sa presscon ng teleseryeng Villa Quintana ng GMA, tinanong si Paolo tungkol dito, ano nga ba ang masasabi niya na mismong si Lian na ang nagsalita na naniniwala itong hindi siya lulong sa sugal.

“Dapat maniwala siya, kasi wala naman talaga, e. Wala naman talaga. And regardless kung sabihin niyang oo o hindi siya naniniwala, yung mismong casino ang magsasabi, na ni minsan hindi ako natuntong doon,” tugon ng aktor.

Nagtataka nga raw siya kung bakit may mga ganu’ng isyu, “Hindi ko alam. Well, maaaring may mga napuntahan akong lugar, maaaring na-incorporate ako sa ibang mga tao…pag may laban si Manny (Pacquiao), nakikita ako sa Vegas, but it does not mean that I play—I never, ever played.

“Ni hindi ako marunong mag-blackjack. Marunong ako mag-slot machine, pero ni minsan, hindi ako nakapindot—so wala talaga,” depensa pa ni Pao.

Kung may natutunan man daw na isang bagay si Paolo mula sa ma pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan, kabilang na ang paghihiwalay nila ni Lian – nalaman niya kung sinu-sino ang mga tunay niyang kaibigan.

“Well, sa lahat ng pinagdaanan ko, you will see who your friends are – you will see who your friends are, and hindi siya marami,” aniya kasabay ng pagsasabing mas marami raw ‘yung mga kaibigan niya na bigla na lang nawala.

“Oo! Ang daming nawala, higit sa kalahati. Oo naman, masakit. E, ganoon naman ang buhay, e, you have to learn the hard way. From time to time, you have to learn the hard way.

But it makes you stronger, it makes you smarter,” paliwanag pa ng Kapuso star. At kung meron man daw siyang isang kaibigan na hindi nang-iwan sa kanya mula noon hanggang ngayon, ‘yan ay walang iba kundi si Dingdong Dantes, “Basta lahat! Name it, name it, Dingdong Dantes ‘yan!

Pero maraming hindi bumitiw, maraming sumuporta in different ways, one way or the other, pero si Dingdong, in ten ways.

“Kumbaga, hindi lang siya sa isang aspeto sumuporta sa akin, sa maraming aspeto, at nandiyan siya. Hindi niya ako dyinudge, any time, nandiyan siya,” hirit pa ni Paolo.

Biniro nga sila ni Dingdong na baka raw may “bromance” na sila, “Papunta na nga doon! Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending