Luis hindi pagbabawalan si Jessy na sumabak sa halikan at love scene
PARA sa host at komedyanteng si Luis Manzano, graduate na siya sa pagiging host ng mga reality TV at game show.
Feeling ni Luis, it’s about time na bigyan naman ng chance ang young generation ng mga Kapamilya host na maaaring sumunod sa kanyang mga yapak.
Sa panayam kasi ng ABS-CBN sa husband ni Jessy Mendiola, natanong kung magbabalik na ba ang reality competition na “Pilipinas Got Talent” kung saan siya naging host nang ilang beses.
Wala pa raw siyang idea kung muling magkakaroon ng “PGT” pero aniya, maraming promising host ngayon na pwedeng pumalit sa kanya sa show as a host.
Nabanggit nga niya ang mga kapwa Kapamilya stars na sina Donny Pangilinan, Robi Domingo, Edward Barber at Enchong Dee.
View this post on Instagram
“Congratulations sa kung sino man, hindi ako eh, kumbaga nag-rest na ko sa ‘Pilipinas Got Talent.’ Sabi ko nga why not give it to the new generation,” sabi ni Luis sa naturang interview.
“Nakikita kong pwede si Robi, si Donny, pwedeng si Edward or maybe si Enchong. It’s about time na ibigay na yung mga ganu’ng show sa kanila,” chika ni Luis.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang
Ang naiisip daw ni Luis na pwede niyang gawin in the future ay mga game show o reality TV with original concept.
Sa ngayon daw ay super happy siya sa pagiging daddy sa anak nila ni Jessy na si Rosie o Baby Peanut. Looking forward din siya sa pagbabalik-showbiz ng kanyang wifey very soon.
Sey ni Luis, hindi siya makikialam sa magiging diskarte ni Jessy sa kanyang showbiz comeback. Hindi rin niya pagbabawalan ang asawa na gumawa ng intimate at daring scenes.
“She can do whatever she wants. If it will give you artistic fulfillment, then by all means go ahead,” sey ni Luis.
May plano na ba sila ni Jessy na magkaroon ng baby number 2? “May mga contractual obligations pa na kailangang asikasuhin. Pero hopefully, in a year or two eh maging ‘ate’ na si Peanut.”
Sa ngayon, napapanood si Luis bilang host ng game show na “I Can See Your Voice”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.