PARA na ring national at local elections ang katatapos lang na eleksiyon sa mga barangay.
MGA ulat ng patayan na may kaugnayan sa eleksiyon at bilihan ng boto ay naging karaniwan.
Ang mga kandidato na hindi bumili ng boto dahil sa kahirapan o kabaratan ay hindi nanalo.
Ganito ba ang show-window ng demokrasya sa ating bansa, ang barangay
Ang sumusunod ay halimbawa ng maruming eleksiyon ng katatapos lang na eleksiyon sa barangay:
Binaril at napatay ni Manuel Arcenas, outgoing chairman ng Barangay Manapao, bayan ng Pontevedra, Capiz, ang kanyang mga kapatid na sina Ramon, Jennifer at Evelyn.
Natalo kasi ang anak ni Manuel na si Isabel, 19 anyos, kay Ramon para barangay chairman.
Nag-expire na kasi ang termino ni Manuel kaya’t pinatakbo niya ang kanyang anak upang palitan siya sa puwesto.
Binaril ni Manuel ang kanyang dalawang kapatid na babae dahil sinuportahan nila si Ramon.
Ano’ng klaseng pamilya ito na nagpapatayan dahil lamang sa kakapiranggot na puwesto?
Kung sabagay, di na kataka-taka ang nangyayaring labanan ng mga magkamag-anak dahil laang sa pulitika.
Sa Camarines Sur, natalo ang lolo ng kanyang apo sa labanan ng pagka-gobernador sa national at sa lokal na eleksiyon noong Mayo.
Biruin n’yo, apo nilabanan ang lolo at tinalo pa!
Onli in da Pilipins!
Sa Barangay Banawang, bayan ng Bagac, Bataan, binaril ng incumbent barangay chairman na si Carlito Bautista ang anim katao na supporters ng kanyang kalaban.
Limang beses niyang pinaputukan kalibre .45 sina Eduardo Gerez, Arnulfo Aratea, Leonardo Salinas, Nelson Busa, Ramie Casimo at Floro Busa.
Sa kabutihang palad, walang tinamaan ni isa sa kanila dahil butalô si Bautista.
Hindi hinuli si Bautista ng mga pulis dahil malakas siya sa mayor.
Si Rene Villa, chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA), ay naiulat na nasangkot kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
Si Villa ang pinakamataas na opisyal ng executive branch na direktamenteng nasangkot kay Napoles.
Sinabi ni Villa na wala siyang kinalaman sa mga kalokohang ginawa ni Napoles noong siya ay abogado nito.
“I am a lawyer and she was my client. I had to earn a living because I was out of government then. I gave advice on purely private, financial matters, nothing on government or political matters. Mine was a limited engagement which, if I recall correctly, started in 2006. I quit when I rejoined government just as I did with my other clients,” sabi pa ni Villa.
Sinong niloloko mo, Villa?
Yung sinabi mo na “I gave her advice on purely private, financial matters” anong ibig sabihin noon?
Huwag mong sabihin na hindi mo alam, bilang abogado, ang pinaggagawa ng iyong kliyente.
Para namang ginagawa mong mga bata ang taumbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.