Janno saksi sa solid na relasyon nina Kathryn at Ronaldo

Janno saksi kung gaano ka-solid ang pagiging maglolo nina Kathryn at Ronaldo

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Janno saksi kung gaano ka-solid ang pagiging maglolo nina Kathryn at Ronaldo

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 08:48 AM

Janno saksi kung gaano ka-solid ang pagiging maglolo nina Kathryn at Ronaldo

Janno Gibbs, Kathryn Bernardo at Ronaldo Valdez

MALALIM at talagang solid na solid ang nabuong closeness sa pagitan ni Kathryn Bernardo at ng yumaong veteran star na si Ronaldo Valdez.

Mismong ang anak ng award-winning actor na si Janno Gibbs ang nagpatunay na parang tunay na maglolo na ang naging relasyon ng dalawa matapos nilang gawin ang seryeng “2 Good 2 Be True.”

Ayon kay Janno, itinuring na ring tunay na apo ng kanyang tatay si Kathryn dahil na rin sa nabuong close relationship nila while doing “2 Good 2 Be True” kung saan nakasama rin nila si Daniel Padilla.

Ito ang dahilan kung bakit pinayagan ng pamilya nina Janno na makita ng  Kapamilya actress at box-office queen ang labi ng kanyang “Lolo Sir” (karakter nito sa ginawa nilang serye) bago ito ilibing.

Baka Bet Mo: Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok

“Kathryn was there, one of the firsts sa wake. She was the only one allowed to view. It was just immediate family plus they were really close,” ang pahayag ni Janno nang makausap ng ilang members ng entertainment media.

Bukod kay Kathryn, balitang nakapagpaalam din si Daniel kay Lolo Sir sa lamay nito na tumagal lamang ng dalawang araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon pa kay Janno, ilan lamang sa mga taga-showbiz na malapit sa kanyang tatay ang nakapunta sa dalawang gabing lamay nito sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo

“Ang mga pinapunta lang namin, yung mga nagtanong, ‘Puwede ba kaming pumunta?’ ‘Sige.’ Pero hindi na namin in-announce na you can visit, ganu’n. Yung mga nagtanong na lang, ‘Puwede ba kaming pumunta?’ ‘Okay,’” sabi pa ng veteran comedian.

Nagpasalamat din si Janno sa lahat ng mga nakatrabaho ni Ronaldo sa teleserye at pelikula. Ayon sa TV host-comedian, talagang napalapit din sa kanya ang mga co-workers sa last series niyang “2 Good 2 Be True.”

“I wanna say a special thanks to ABS-CBN because I know they took care of my dad. My dad loved them,” mensahe ni Janno na muling bibida sa latest offering ng Viva Films na “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” na siya rin ang nagdirek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Trivia lang mga ka-BANDERA, knows n’yo ba kung sino ang naka-discover kay Ronaldo Valdez? Yan ay walang iba kundi ang yumaong Comedy King na si Dolphy noong dekada 70.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending