Bongbong Marcos dumalo ng Coldplay concert, naka-chopper pa?

Bongbong Marcos dumalo ng Coldplay concert, naka-chopper pa?

Therese Arceo |January 20,2024
facebook
share this

Bongbong Marcos dumalo ng Coldplay concert, naka-chopper pa?

Therese Arceo - January 20, 2024 - 04:49 PM

Bongbong Marcos dumalo ng Coldplay concert, naka-chopper pa?

SPOTTED ang presidente ng Pilipinas na si Bongbong Marcos sa nagdaang Coldplay concert nitong Biyernes, January 19.

Makikitang dumalo ang pangulo kasama ang kanyang asawang si Liza Araneta-Marcos sa concert ng British rock band na ginanap sa Philippine Arena.

Ang naturang pagdalo nina Bongbong at Liza ay kinumpirma naman ng Presidential Communications Office.

Agad ngang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang balitang ito pati na rin ang diumano’y paggamit ng mga ito ng chopper sa Philippine Arena.

Baka Bet Mo: Pangulong Bongbong Marcos ilang beses nakaranas ng kababalaghan sa Malacañang: Nagsisigaw ako, ‘May multo, may multo!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pinaniniwalaang lulan ng naturang tatlong chopper ang mga VIPs kasama na ang mag-asawang Bongbong at Liza.

“Mind you, di lang isa ang gamit. Kaya pala ang mahal ng tax ko para may pang heli at concert tix sya,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Di man ako nakapunta sa coldplay concert, nagamit naman ang tax natin para makapunta si b/bm naka helicopter pa ayus”

“tax refund sana hahhahahaha wala naman mabuting napupuntahan tax,” hirit naman ng isa.

Bagama’t kumpirmadong dumalo ng naturang concert ang mag-asawang Bongbong at Liza, wala pa namang pahayag o kumpirmasyon ang PCO kung kasali na ang mag-asawa sa mga sumakay sa naturang choppers.

Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng kampo ni Pangulong Marcos ukol rito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending