Cristy dinipensahan si Barbie: Hindi naman niya nilalandi si Richard

Cristy dinipensahan si Barbie: Hindi naman niya nilalandi si Richard

Therese Arceo |January 19,2024
facebook
share this

Cristy dinipensahan si Barbie: Hindi naman niya nilalandi si Richard

Therese Arceo - January 19, 2024 - 06:03 PM

Cristy dinipensahan si Barbie: Hindi naman niya nilalandi si Richard

Richard Gutierrez at Barbie Imperial

NAAAWA ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial matapos madawit sa isyung hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa latest episode ng kanyang vlog na “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nila ang pagkakaugnay ng dalaga kay Richard matapos mag-viral ang photos nila together na kuha sa isang bar sa Alabang.

Sey ni Cristy, “Sa isang banda, ako’y naaawa naman kay Barbie imperial. Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard.”

Aniya, nagkataon lng raw ang kanilang pagkikita sa naturang bar.

“Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po ‘yun, OA na po yun to the highest degree,” sey pa ni Cristy.

Ay dahil nga raw sentro ng balita ngayon si Richard dahil sa umano’y paghihiwalay nila ng asawang si Sarah, naging mainit sa publiko ang saglit na kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin may bagong pasabog tungkol sa magulang ni Sarah, true kaya?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nagkita lamang po sila sa isang bar at dahil konektado sa hiwalayan si Richard kay Sarah, natural doon na-focus ang atensyon ng mga naroon,” sabi pa ni Cristy.

Nagbabala rin ang kolumnista sa publiko lalo na sa mga patuloy na nagbibigay ng hindi kagandahang komento kay Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi po natin dapat na husgahan at maliitin si Barbie Imperial. Unang-una, wala po siyang kasalanan dito at hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez. Wala pong ganun,” giit ni Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Atsaka alam mo sa ganitong relasyon, kapag humanap ng iba ang lalaki o babae, walang karapatan ang magkabilang panig na husgahan amg kanilang sinamahan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending