Althea Ablan umaming dyowa na si Prince Clemente:

Althea Ablan umaming dyowa na si Prince Clemente: Ang pula ng blush on ko!

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Althea Ablan umaming dyowa na si Prince Clemente: Ang pula ng blush on ko!

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 08:03 AM

Althea Ablan umaming dyowa na si Prince Clemente: Ang pula ng blush on ko!

Althea Ablan at Prince Clemente

CONFIRMED! Magdyowa na nga ang dalawang Kapuso Sparkle youngstars na sina Althea Ablan at Prince Clemente.

Pinakilig nang bonggang-bongga nina Althea at Prince ang kanilang mga fans nang finally ay inamin na nila ang tunay na status ng kanilang relationship.

Nangyari ito sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Althea nitong nagdaang Martes, January 16, kung saan diretsahan na niyang ibinandera ang relasyon nila ni Prince.

Tanong ni Tito Boy sa dalaga, “Sino ba talaga ang prinsipe ng buhay mo?”

Kinikilig na sagot ni Althea, “I know naman po nakikita naman ng public pero yeah, if you’re watching. Ha-hahaha! Parang ang pula ng blush on ko!”

Parang kinilig din si Tito Boy sa pag-amin ng Kapuso young actress na sumundot pa ng question na, “I’ll put it straight because you’re saying ‘Hi’ to him. Are you officially together? You and Prince?”

“Yes,” ang mabilis na sagot ni Althea na sinundan nga tilian at palakpakan sa studio ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Baka Bet Mo: Althea Ruedas idol na idol si Kathryn, natulala nang magkita sa shooting; type gumanap na girl version ni Spider-Man

Kung matatandaan, ibinandera ng celebrity couple ang mga sweet photos nila together na kuha sa pagbabakasyon nila sa isla ng Siargao kung saan nila sinalubong ang Bagong Taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Prince Clemente (@princeclemente18)


Knows na rin ng mga fans nina Althea at Prince na ang kanilang term of endearment ay “Moo.”

Sa isang Instagram post ni Althea ay makikita silang magkayakap habang nasa beach kung saan kasama rin nila ang nanay ng aktres na si Theyah.

“You are my everthing,” ang caption ni Althea sa naturang post na sinagot naman ng kanyang boyfriend ng, “And you’re my happiness.”

Magkasama ring rumampa sa red carpet ng GMA Gala 2023 sina Althea at Prince at bago ito, binigyan muna ng binata ng flowers at lantern lamp si Althea nang mag-propose siya na maging date ng aktres sa nasabing event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ngayon si Althea sa ikatlong kuwento ng “Sparkle U” series na “Soundtrip” kasama sina Zephanie, Michael Sager at Matthew Uy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending