Althea Ruedas idol na idol si Kathryn, natulala nang magkita sa shooting; type gumanap na girl version ni Spider-Man | Bandera

Althea Ruedas idol na idol si Kathryn, natulala nang magkita sa shooting; type gumanap na girl version ni Spider-Man

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

Althea Ruedas idol na idol si Kathryn, natulala nang magkita sa shooting; type gumanap na girl version ni Spider-Man

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 08:06 AM

Althea Ruedas idol na idol si Kathryn, natulala nang magkita sa shooting; type gumanap na girl version ni Spider-man

Althea Ruedas at Kathryn Bernardo

SUPER idol ng award-winning child star na si Althea Ruedas ang tinaguriang Asia’s Superstar at Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Habang lumalaki raw siya ang palaging pinanonood niya ay ang action-fantasy-drama series na “La Luna Sangre” kasama ang ka-loveteam at boyfriend nitong si Daniel Padilla.

“Si ate Kathryn po talaga (ang idol ko). I grew up watching her in ‘La Luna Sangre.’ Siya po yung naging inspiration ko sa pagpasok sa showbiz,” sey ni Althea na sumikat sa pelikulang “Doll House” kasama si Baron Geisler.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kaya nga tuwang-tuwa siya nang sa kanya ibigay ng Star Cinema ang role ng young Kathryn sa “A Very Good Girl” with Dolly de Leon na idinirek ni Petersen Vargas.

Kahit wala raw silang scenes together ni Kath, proud pa rin siya na kasama siya sa naturang pelikula.

Baka Bet Mo: Pagganap na tatay ni Jerald Napoles sa serye at pelikula bonggang training para sa magiging baby nila ni Kim Molina

Pero nu’ng last shooting day daw nila ay nabigyan siya ng chance na makita at makilala nang personal si Kathryn. Speechless nga raw siya nang ma-meet ang kanyang idol.

Kuwento ng 10 taong gulang na child star, 3 years old pa lang siya ay sumasabak na siya sa auditions para sa mga TV commercial.

Matapos ma-reject ng ilang beses, ang sabi raw ng kanyang nanay, “‘Anak, ang dami na nating auditions, wala namang kumukuha sa ‘yo’. I told her, ‘Mama, hintay-hintay lang po, meron din ‘yan.'”

At nagdilang-anghel naman si Althea dahil nakuha siya sa isang fast food chain commercial hanggang sa nagsunud-sunod na ang kanyang commercials.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento pa ni Althea, gusto niyang gumanap na superhero, tulad ng girl version ng “Spiderman” dahil naa-amaze raw siya sa karakter ni Tom Holland sa naturang Hollywood movie.

Bidang-bida si Althea ngayon sa latest Viva Films offering na “Instant Daddy” kasama si Jerald Napoles. Showing na ito ngayon sa mga sinehan.

Sey ng bagets, enjoy na enjoy siya kapag nasa shooting, “Kapag wala po akong work, hinahanap po ng katawan ko. Dati po, kapag wala akong shooting, I would tell my mom, ‘Mama, maghanap ka nga ng gagawin ko.'”

“I get amazed kung paano nila (mga artista) nagagawa ang isang character na hindi naman sila ‘yun. Doon ako naa-amaze talaga,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kahit busy sa trabaho, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral, “I do face-to-face when I want to go to school and there are no shooting schedules. Saka po top 3 pa rin po ako sa class.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending