QCPD nag-sorry sa pamilya ni Janno, 4 netizen kakasuhan sa video ni Ronaldo
NAG-SORRY na ang Quezon City Police District (QCPD) sa publiko dahil sa kapalpakan ng dalawang pulis kaugnay ng pagkamatay ni Ronaldo Valdez.
Matapos mag-demand ang pamilya ng veteran actor sa pangunguna ni Janno Gibbs, ng public apology sa Philippine National Police (PNP) ay agad nag-issue ng official statement ang QCPD.
Partikular na tinukoy nina Janno ang mga sablay na ginawa ng mga rumespondeng pulis sa kanilang bahay hanggang sa presinto at ang pag-upload ng video ni Ronaldo sa social media.
View this post on Instagram
Ang naturang video ay sinasabing kuha ng isang pulis na unang dumating sa bahay nina Janno noong December 17, 2023, at nakapasok sa kuwarto ng yumaong aktor kung saan siya natagpuang duguan at agaw-buhay.
Baka Bet Mo: Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok
Ayon kasi sa salaysay ni Janno, buhay pa ang ama nang madiskubre nila ito ng kanilang driver sa loob ng kuwarto at ilang sandali pa ang lumipas bago nadala sa ospital.
Mismong si QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan ang humingi ng kapatawaran kay Janno, pati na sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang aktor.
“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, gayundin sa kanilang mga kaibigan dahil sa sabihin na natin na sakit na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t ibang social media platforms kung saan involved ang isang police sa pagkuha ng video,” ang mensahe ni Maranan sa panayam ng GMA 7.
Aniya, pagkatapos ng presscon ni Janno kahapon, January 15, kaugnay nga sa pagkamatay ng ama nito ay nagkausap ang dalawa sa telepono.
“Doon ay naipahatid ko personally ‘yong aming paghingi ng paumanhin,” ani Maranan.
Ibinalita rin niya na nadismis na sa kanilang mga pwesto ang mga involved na pulis kasabay ng pagsasampa ng administrative charges sa mga ito, kabilang na ang neglect of duty, grave irregularity in the performance of duty, at grave misconduct.
View this post on Instagram
Bukod dito, naglabas din ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng QCPD.
“The QCPD extends its sincere apologies to the Gibbs family regarding the recent incident where a member of our police force inappropriately took a video of the late Mr. Ronaldo Valdez. We acknowledge the gravity of this lapse in judgment of some of our personnel, and we deeply regret any distress this may have caused.
Baka Bet Mo: Ronaldo binigyan ng tribute sa presscon: Nandito lang siya sa pali-paligid
“Rest assured, that swift and decisive action is being undertaken. The involved personnel will face appropriate administrative charges for their actions. We want to emphasize that this behavior is not reflective of the values we uphold in QCPD.
“We assure you that such incidents will not be tolerated, and we are implementing stricter measures to prevent their recurrenc.”
Bukod dito, pananagutin din sa batas ang apat na sibilyan na siyang nag-upload ng maselang video ni Ronaldo sa social media.
“We were able to identify more or less apat na sibilyan na sila ang unang nag-upload sa social media ng video. Mayroon na tayong identification.
“We are ready to file the criminal case. We are just waiting for the family of Gibbs to file a complaint,” paniniguro ni Maranan sa naturang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.