Iñigo buwis-buhay sa pagkanta ng Kahit Isang Saglit

Iñigo buwis-buhay sa pagkanta ng Kahit Isang Saglit: I feel I just died…

Ervin Santiago |January 16,2024
facebook
share this

Iñigo buwis-buhay sa pagkanta ng Kahit Isang Saglit: I feel I just died…

Ervin Santiago - January 16, 2024 - 08:37 AM

Iñigo buwis-buhay sa pagkanta ng Kahit Isang Saglit: I just died singing...

Piolo Pascual at Iñigo Pascual

HIRAP na hirap ang Kapamilya actor-singer na si Iñigo Pascual nang kantahin ang OPM classic na “Kahit Isang Saglit.”

Inamin ni Iñigo na “buwis-buhay” para sa kanya ang pagkanta ng “Kahit Isang Saglit” na unang kinanta ni Verni Varga at pinasikat din ni Martin Nievera at ng tatay niyang si Piolo Pascual.

Nag-post ang binata sa kanyang Instagram page ng video kung saan ibinibirit nga niya ang sikat na kanta at inaming totoong nahirapan siyang abutin ang matataas na nota ng kanta.

“Sharing this clip of me trying to sing ‘Kahit Isang Saglit’ THIS WAS SO DIFFICULT FOR ME, or I just can’t pull of Ballads,” ang caption ni Iñigo sa kanyang IG post at itinag pa si Papa P at si Martin.

Baka Bet Mo: Maricel sumabak sa pa-acting challenge ni Vice, gayang-gaya sina Nora, Vilma at Dolphy; winner sa ‘Banayad Whiskey’

Mensahe pa ng singer-actor bago kantahin ang classic OPM hit, “What’s up, y’all! I do not sing ballad songs. It’s not my genre and I’m not good at it but here we are.

“This is one of my favorite songs of all time, of course by Tito Martin and my dad (who) has influenced me as well.

“I love both of you and this song is so beautiful but I don’t know how you guys just do it,” lahad pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Inigo Dôminic Pascual 💎 (@inigopascual)


In fairness, tagos na tagos din ang version ni Iñigo ng “Kahit Isang Saglit” habang tina-try abutin ang birit parts ng song. Hirit ng binata sa gitna ng kanyang performance, “I’m about to pass out.

“This is why I don’t sing ballads. I feel like I just died singing this song,” hirit pa ng anak ni Papa P.

Aprub na aprub naman kay Martin Nievera ang version ni Iñigo sa naturang kanta, “You sing it perfectly. Tama si Darren (Espanto) with add libs and your own style too.

Baka Bet Mo: Sharon biniro sina Alden at Maine bago kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’, ano kayang reaksyon ng AlDub fans?

“Galing my boy! Keep shining! You make us all so proud! Love you!” papuri pa ng Concert King kay Iñigo.

Ang comment nga ni Darren ay, “Ay wow. May spiels.”

“@darrenespanto si @darla pa may hawak ng Spiels sa likod ng cam,” sagot naman ni Iñigo kay Darren.

Ni-like naman ni Piolo ang version ng anak sa kantang ginawan din niya ng sariling rendition noon.

Reaksyon ng singer-songwriter na si Troy Laureta, “Soooooo when are we doing a ballad togevaaa?”

Matatandaang naging bahagi ng  Fox musical drama series na “Monarch” si Iñigo noong 2021 kasama ang Oscar winner na si Susan Sarandon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nasabing programa, ginanapan ni Iñigo ang role bilang si Ace Grayson, isang adopted son mula sa Pilipinas na mahilig kumanta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending