Wife ni Alfred buwis-buhay ang pagbubuntis

Wife ni Alfred buwis-buhay ang pagbubuntis, pero kineri ang normal delivery

Ervin Santiago |January 10,2024
facebook
share this

Wife ni Alfred buwis-buhay ang pagbubuntis, pero kineri ang normal delivery

Ervin Santiago - January 10, 2024 - 07:28 AM

Wife ni Alfred buwis-buhay ang pagbubuntis, pero kineri ang normal delivery

Yasmine Espiritu, Alfred Vargas at Aurora Sofia

SA kabila ng pinagdaanang hirap ng asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu ay maayos pa rin nitong naisilang ang kanilang 4th baby.

Matinding challenge ang hinarap nina Konsehal Alfred at Yasmine habang ipinagbubuntis ang ikaapat nilang anak na si Aurora Sofia nitong nagdaang December 26.

Ayon sa aktor at public servant, nakauwi na sa kanilang bahay ang kanyang mag-ina kaya todo-todo ang pasasalamat niya sa Panginoong Diyos dahil talagang ginabayan at binantayan sila sa kanilang pregnancy journey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🌸 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 🌸 (@yasmine_vargas2307)


Sa kabila nga ng mga pinagdaanan ni Yasmine sa kanyang pagdadalang-tao ay normal pa rin ang delivery ni Yasmine kay Baby Aurora Sofia na may timbang ng halos 6 pounds at may habang 47 centimeters.

“Maganda ang Pasko at Bagong Taon sa atin. Although, nagkaroon lang tayo ng personal family challenges last year dahil nga sa pregnancy ng wife ko.

Baka Bet Mo: Misis ni Alfred sinigurong panghuli na ang dinadalang ika-4 na baby: ‘This pregnancy has been very difficult mentally, physically and emotionally’

“Pero napakabait talaga ng Diyos. Praise God! Sulit ang lahat na hirap, tapos perfectly heathy yung aming baby girl na si Aurora Sofia Vargas,” pahayag ni Alfred sa panayam ni Tito Gorgy Rula sa radio program nila sa DZRH last Friday, January 5, 2024.

Patuloy pa ng lead actor sa pelikulang “Pieta” na pinagbibidahan din ni Superstar Nora Aunor, “At siyempre, sobrang grateful ko kasi okay din si Yasmine pagkatapos ng napakahirap niyang pinagdaanan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 🌸 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 🌸 (@yasmine_vargas2307)


Nagkuwento rin ang konsehal sa Quezon City tungkol sa naging problema sa pagbubuntis ni Yasmine, “Nakakita kasi ng iba’t ibang mga bacteria du’n sa system niya. Tapos, it affected her cervix, na nagkaroon ng threat talaga.

“Kasi pag sinasabing funneling, kahit hindi pa time, nagbubukas na, bumubuka na. So, anytime puwedeng… talagang pinawisan ako, na anytime meron talagang mangyaring hindi maganda.

Baka Bet Mo: Alfred Vargas super proud tatay nang makakuha ng medal ang anak sa swimming competition

“So, after na binigyan siya ng medication, naka-IV siya nu’n, nakaano siya. Gumaling naman siya for a few days, pero nagkaroon naman ng bagong bacteria naman ulit. So, paulit-ulit.

“Tapos bukod du’n, meron pa siyang hyperemesis (pagkahilo at pagsusuka) tapos anxiety attacks, tapos ang dami pa.

“So, ang ginawa na lang nga mga doctor, binigyan siya ng cerclage, yung procedure, inoperahan siya on the spot. Parang nilagyan siya ng sinturon, yung cervix niya, para ma-close.

“Kumbaga, sinara talaga para mag-35 weeks siya. Kaso, binabantayan pa rin siya kasi patuloy pa rin yung super lakas at super dami ng contractions niya, e,” ani Alfred.

Sa ngayon ay okay na raw si Yasmine at ang bagong-silang nilang anak, “Recuperating pa rin, e, kasi medyo matindi din yung panganganak niya. Pero now, she’s a lot better na.

“Tapos ano na siya, dito na kami sa bahay. Ang bait ng baby namin, napakatahimik talaga. Parang si Sleeping Beauty talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro later on, baka magpi-face reveal kami or something. Pero right now, we’re just enjoying ourselves, privately,” sabi pa ni Alfred Vargas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending