Alessandra tinalakan ng direktor: Hindi ka sisikat! Mayabang ka! | Bandera

Alessandra tinalakan ng direktor: Hindi ka sisikat! Mayabang ka!

Ervin Santiago - November 26, 2023 - 08:39 AM

Alessandra tinalakan ng direktor: Hindi ka sisikat! Mayabang ka!

Alessandra de Rossi

TANDANG-TANDA pa ni Alessandra de Rossi ang nakakalokang ginawa ng isang direktor noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Binalikan ng premyadong aktres ang mga naging struggles at challenges na hinarap niya bilang aktres, lalo na noong baguhan pa lamang siya sa larangan ng pag-arte.

Edad 13 nang pasukin ni Alex ang mundo ng showbiz at bata pa lang daw siya ay talagang matapang na siya, salamat daw sa paggabay sa kanya ng nanay niya at natuto siyang ipaglaban ang kanyang mga karapatan bilang tao.

Inamin ng sisteraka ni Assunta de Rossi na marami na siyang tinanggihang offer dahil hindi siya naniniwala sa ipinaglalaban ng proyekto at sa mga ipinagagawa sa kanya.

“It’s the role, it’s the message, it’s the co-actor, ‘yung ganu’n. Parang huwag naman ‘yan. May ganu’n ako,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng veteran entertainment writer at talent manager na si Aster Amoyo para sa YouTube channel nitong “TicTALK.”

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Dito naibahagi nga ng aktres ang naging experience niya sa isang direktor na ipinahiya siya matapos tumangging gawin ang isang eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)


“Bata pa lang ako ganu’n na ‘ko, 13 years old nga nasigawan ako. Nakatayo ako ganyan. Sabi niya, ‘Hindi ka sisikat. Mayabang ka, namimili ka.’

“Kasi ayoko makipag-kissing scene nu’ng time na ‘yun –13 years old, ano? Sa harapan ng nanay ko ‘yun,” pag-alala pa niya.

“Tapos tinuruan kami ng mommy ko na huwag lumaban ‘pag may umapi. So sabi ko, ‘Okay, papanoorin ba ‘to ng nanay ko?’ Nasa mukha ko na talaga siya.

“Sabi niya, ‘Mayabang ka…’di ka sisikat. Tapos biglang tumayo ‘yung mommy ko. Sabi niya, ‘E ‘di hindi!’ Tapos um-exit s’ya sa door. Lumingon pang gano’n. Sabi niya, ”Di namin kayo kailangan. Sabi ko, ‘Wow!'” natawang sey pa ni Alex.

Patuloy pa niya, “In my head, pwede palang lumaban ‘pag sobra na. Do’n ko nakita sa mommy ko na hayaan mo muna s’ya tumalak ng 30 minutes. Kapag sumobra na, kapag ‘yung hustisya na ‘yung pwede mong isigaw, ‘di ba, pwede na.”

Baka Bet Mo: Alessandra, Empoy balik-tambalan after 6 years, netizens abangers na: ‘Ay gusto ko ‘to…from Japan to Paris!’

Dagdag pa niya, “Parang na-realize ko nu’ng time na ‘yun na okay mapili ako dahil ayoko ‘yung project, ayoko ‘yung role, ano kasi prostitute, e ang bata ko pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi)


“Tapos sa ‘kin ayoko talaga at ‘di naman ako pinilit ng mommy ko na, ‘oh anak sige, gawin mo na ‘to, akting-akting lang ‘to.’ ‘Di to akting-akting.

“So du’n ko na-relize na okay choosy ako. Nasigawan na ‘ko once. What is another? Charot! Pero kaya ko na s’ya sigawan ngayon, charot. Ano na, sa’n ka na? Charot!” ang natawa pang sey ng aktres.

“Nagkikita kami (ng direktor na yun), parang 10 years bago niya in-acknowledge ‘yung presence ko e. ‘Di n’ya ‘ko gusto siguro, parang nakakapalan siya siguro sa mukha ko na mag-no sa isang napakaimportanteng project dahil ‘di n’ya alam kung ano ang importante sa ‘kin,” esplika pa ni Alessandra.

Iniisip din daw kasi niya ang kanyang mga tagasuporta, kung ano ang posibleng maging epekto ng gagawin niya sa pelikula o teleserye sa mga manonood.

“Saka naniniwala ako talaga na bilang batang manonood ng TV, ‘di ba, naniniwala ako na ‘yung mga bata kung ano ‘yung nakikita nila, nagiging normal na sa kanila to a certain point, ‘di ba?

“So ‘pag halikan nang halikan ganyan, kung sa inyo ‘pag araw-araw na, parang try ko nga. Alam mo ‘yung ganu’n? So ayaw mo sanang magpakita ng ganu’n hangga’t kaya.

“Siyempre may ibang producers hindi naiintindihan. Artista ka dapat kaya mong gawin lahat. Artista ka? Sasabihin ko hindi, pag-uwi ko parang ‘di naman ako artista. Magdadasal ako bago matulog, parang tapos na ‘yung pagiging artista ko, ‘di ba?” ang punto pa ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bibida si Alessandra sa GMA Pictures at GMA Public Affairs movie na “Firefly” na isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending