Kylie Verzosa ‘self-love’ ang goal sa 2024, sinagot kung bakit siya ‘skinny’
“PAYAT mo na mhie,” “buto’t balat,” “you need to eat.”
‘Yan lamang ang ilan sa mga nagiging komento ng ilang netizens sa mga ibinabanderang pictures ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa sa social media.
Ang tingin kasi ng maraming netizens, napapabayaan na ni Kylie ang kanyang sarili kaya lalo itong pumayat.
Pero kabaligtaran diyan ang inihayag ng beauty queen kamakailan lang.
Nilinaw ni Kylie sa pamamagitan ng isang video post na kahit siya’y payat ay malusog na malusog naman daw siya.
Ang pakiramdam din daw niya, ito ang “best weight” para sa kanyang katawan.
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa in a relationship sa isang foreigner: I want to keep it private this time
“So I see lots of you guys have been calling me skinny right now,” sey niya.
Sambit pa niya, “But I don’t think that’s the case. I feel like I’m at my healthiest right now and I’m not the very closest to being unhealthy. I feel like this is the best weight for my body.”
Kasunod niyan ay binanggit ni Kylie ang ilan sa mga goal niya ngayong taong 2024 at ilan lamang diyan ay ang self-love at self-care.
“This 2024, I told myself that I’m gonna take even much better care of myself and my body,” dagdag ng award-winning actress.
Isa-isang inilahad ng beauty queen ang ginagawa niyang healthy lifestyle katulad ng pag-eexercise, kumakain nang tama at natutulog nang mabuti.
“So some of the things that I’ve been doing to keep myself healthy: I go to the gym, I weight train, I do yoga, pilates, I run, I bike, I spin; I gotta do saunas and ice baths recently; I’m pescatarian so I don’t eat chicken, beef or pork; I don’t drink; I don’t have carbs, I don’t have rice; I try to avoid sugar and try to get my eight hours of sleep,” pagbabahagi niya.
View this post on Instagram
Recently lamang, excited na inilunsad ni kylie ang kauna-unahan niyang business venture.
Proud niyang ibinandera sa social media ang shapewear brand na tinawag na “SOLÁ.”
Sabi pa niya, isang dream come true ang magkaroon ng sariling negosyo at ang goal niya raw rito is “to make everyone feel good and confident in their own bodies.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.