Alex ibinuking ang pagiging galante ng sisterakang si Toni

Alex ibinuking ang sisterakang si Toni: ‘Galante sa iba, kuripot sa sarili’

Pauline del Rosario |January 15,2024
facebook
share this

Alex ibinuking ang sisterakang si Toni: ‘Galante sa iba, kuripot sa sarili’

Pauline del Rosario - January 15, 2024 - 01:13 PM

Alex ibinuking ang sisterakang si Toni: 'Galante sa iba, kuripot sa sarili'

PHOTO: Facebook/Alex Gonzaga Official

MARAMING netizens ang naka-relate sa bagong rebelasyon ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga pagdating sa kanyang kapatid na si Toni.

Sa isang Facebook post, ibinandera ni Alex ang isang screenshot ng kanyang latest vlog at mababasa ang isang komento mula sa isang fan.

“I love how Celestine gives lavish gifts to her loved ones but finds Lulu[lemon] expensive to buy for herself,” sey ng fan sa screenshot.

Ito naman ay pinatotohanan ni Alex at sinabi sa caption sa FB, “Galante sa pamilya, matipid sa sarili [tired face, folded hands emojis].”

Sinabi rin ng vlogger na matagal nang nagtatrabaho ang kanyang ate, pero ang lahat ng kinikita nito ay napupunta sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Tanong ni Alex kay Mikee: Masaya ka ba sa boobs ko? Nagustuhan mo ilong ko?

Ugali rin, aniya, ni Toni ang mamigay ng mamahaling regalo, pero tinitipid naman nito ang sarili.

“Imagine my ate has been working hard for 20 years. She has been sharing all her earnings kahit ‘nung maliit pa sakin and to my family. She has been giving expensive gifts to everyone she loves even mga katrabaho niya,” chika ni Alex.

Kwento pa niya, “Nagugulat ako may random na nagkukwento sakin bigla daw sila binigyan ng ate ng hoverboard o kaya pinag-shopping sila o kaya cellphone, or pang start ng business, etc.”

“Lastly, she helped everyone as in literal halos buong pamilya namin mula noon hanggang ngayon. And yet she can’t reward herself a lululemon pair kasi ang mahal daw para pang-gym. Kaya ako na bumili sa kanya,” sey niya.

Naalala pa nga ni Alex ang kanyang mister na si Lipa City Councilor Mikee Morada dahil magkapareho raw sila ng ugali ng kanyang sister.

“Para siyang si Mikee galante sa iba, kuripot sa sarili. Mabuhay ang mga mahal natin sa buhay na ganyan,” sambit niya.

Kasunod niyan ay ibinunyag ni Alex na malayong-malayo ang kanyang ugali kumpara sa dalawa dahil siya raw ay maluho pagdating sa kanyang sarili.

“Ako wala pang ginagawa may reward na sa sarili [emojis].”

Libu-libong netizens naman ang napa-comment sa naging post ni Alex na kung saan karamihan sa kanila ay tila naka-relate.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Thank you for being a generous one sissy Ana kaso minsan ikaw si Alex nauuna reward lol. Loveyou [red heart emoji].”

“Ganyan talaga kung panganay. I understand her”

“Ikaw to Kuya Alan Daisy. Thank you for everything! God bless you more [blushing face emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We’re the same Toni, generous sa lahat pero sa sarili matipid [laughing emoji].”

“Naalala ko ate at sister ko ganun sa family namin..[emojis].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending