Vicki Belo inutusan ang P.A. na lumipad sa Paris para lang sa cake

Vicki Belo inutusan ang P.A. na lumipad sa Paris para bumili lang ng cake

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Vicki Belo inutusan ang P.A. na lumipad sa Paris para bumili lang ng cake

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 12:45 AM

Vicki Belo inutusan ang P.A. na lumipad sa Paris para bumili lang ng cake

Marife, Vicki Belo, Hayden Kho at Millet

NAPAKASWERTE ng mga empleyado ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho dahil pamilya na rin ang turing sa kanila ng mga ito.

Ang make-up artist na si Marife ay 27 years nang nagseserbisyo kay Vicki habang si Millet naman ay 15 years nang personal assistant (PA) ng celebrity doctor.

Sa latest YouTube vlog ng cosmetic doctor kasama ang kanyang husband na si Hayden ay nakasama nila sa chikahan sina Marife at Millet.

Dito nga napag-usapan ang tungkol sa pagtatrabaho nila para sa celebrity couple kabilang na ang mga bansang narating nila at kung anu-anong mga bonggang regalo ang naibigay ng kanilang mga bossing.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)


Kuwento nina Marife at Millet, palagi silang isinasama nina Vicki at Hayden sa kanilang mga trips sa iba’t ibang panig ng mundo, kadalasan daw ay sa mga fashion events.

Baka Bet Mo: Hayden Kho binili ang dream car ni Dra. Vicki Belo: It’s for real and this is for you

May mga pagkakataon naman daw na bumibiyahe silang mag-isa patungong ibang bansa kapag may ipinapagawa o ipinabibili sa kanila ang mag-asawa.

Ayon kay Marife, madalas siyang isama ni Vicki sa ibang bansa kapag may pupuntahan itong events. Nakagora na raw siya sa Canada, Italy, France, Australia, New Zealand, Morocco, Maldives, Singapore, Africa, Arctic at marami pang iba.

Ayon kay Vicki, super trusted na niya si Marife dahil nga halos tatlong dekada na silang magkasama. Sa katunayan knows din nito ang ilan sa mga sikreto nila ni Hayden.

Nabanggit din ni Marife na may nanghula sa kanyang astrologer na halos lahat daw ng bansa sa mundo ay mapupuntahan niya. Ito yung time na wala pa siyang nararating na bansa sa buong buhay niya.

Ang P.A. naman niyang si Millet ay nakapunta na sa Los Angeles, New York, at Atlanta sa Amerika, pati na rin sa London sa UK, France, Italy, Singapore, Japan at Hong Kong.

Kuwento ni Millet, nagpunta pa nga raw siya sa Los Angeles na balikan lang ang trip dahil may kailangan siyang bilhin para kay Vicki. “Yun yung bago mag-lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)


Pag-alala naman ni Hayden, “Kaka-land lang niya sa L.A. biglang sinabi magsasarado daw ang Pilipinas. So binili lang niya yung kailangan niyang bilhin, tapos bumalik na siya ng Manila.”

Baka Bet Mo: Hayden ibinuking ang nakakalokang sagot ni Vicki nang yayaing mag-date para sa kanilang 5th wedding anniversary

Bukod dito, nag-two days naman siya sa France (kasama na ang arrival at departure) para bilhin ang Jean-Paul Hevin cake na iniutis ni Vicki.

Kuwento ni Vicki, “Kapag naglilihi na ako, na hindi naman buntis, ng Jean-Paul Hevin cake na napaka-favorite ko, sasabihin ko, ‘Millet, pumunta ka naman ng Paris, bumili ka ng cake, o.’”

Biglang sumingit si Hayden, “O kaya kapag may kasalanan ako kay Vicks, cake iyan. So, ‘Millet punta ka muna ng Paris.’”

Pero agad namang nilinaw nina Vicki at Hayden na “points” ang ginagamit nila sa airlines.

Sabi pa ng dalawang staff ng mag-asawa, wala raw talagang mahirap sa kanilang trabaho.

Kuwento pa nina Marife at Millet, blessing sa buhay nila sina Vicki at Hayden dahil talagang gumanda ang buhay nila mula noong magtrabaho sila sa mag-asawa.

Pareho ring nabigyan ng kotse ni Vicki ang dalawang staff. Nakapagpundar na rin ng condo unit si Marife at napag-aral ni Millet sa magandang school ang anak.

Sa isang bahagi ng vlog, nagpa-games din sina Vicki at Hayden at sa bawat tamang sagot ay mananalo sila ng euros.

Pagkatapos nito ay nakatanggap sina Marife at Millet ng tig-2,000 euros (P123,000), para gamitin sa kanilang pagsa-shopping ng luxury-brand items.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa mag-asawang cosmetic surgeon, hindi nila pwedeng iuwi sa Pilipinas ang nasabing halaga dahil bonus daw iyon para makabili sila ng mga bagay para sa kanilang sarili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending