Napakaswerte talaga ng anak kong si Daniel kay Kathryn! — Karla Estrada | Bandera

Napakaswerte talaga ng anak kong si Daniel kay Kathryn! — Karla Estrada

Ervin Santiago |December 13,2021
facebook
share this

Napakaswerte talaga ng anak kong si Daniel kay Kathryn! — Karla Estrada

Ervin Santiago - December 13, 2021 - 06:54 AM

Min Bernardo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Karla Estrada

“FUTURE daughter-in-law” na ang tawag ng TV host at aktres na si Karla Estrada sa girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Tanggap na tanggap na ni Karla na sina Daniel at Kathryn na nga ang pinagtagpo at itinadhana at botong-boto na rin siya sakaling magdesisyon na ang celebrity couple na magpakasal.

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Karla na napapanood sa kanyang YouTube channel, nabanggit ng sisteraka ni Alex Gonzaga na naroon sila sa studio ni Kathryn.

“Nandito tayo ngayon sa studio ng kanyang future daughter-in-law. O ‘di ba, kine-claim na natin ‘yan dahil du’n din naman papunta ‘yan,” pahayag ni Toni.

“Kasi ikaw din naman ‘di ba? ‘Yun na rin ang gusto mo?” aniya pa kay Karla.
Sagot ng nanay ni DJ, “Oo naman kasi napakaswerte na ng anak ko kay Kathryn na very responsible.

“Ang maganda kasi sa kanila, nag-mature sila sa loob ng relationship, nag-grow. Ang hirap noon ha,” sabi pa ni Karla.

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Dugtong pa niyang chika, “Marami ring pagsubok iyan. Pero okay na rin kasi kung naging perfect iyan, kung may dumating na hindi maganda, baka hindi ma-handle.”

Kung matatandaan, sa isang panayam ay nabanggit ni DJ na plano niyang pakasalan si Kath within the next five years dahil feeling niya pareho na silang super stable ng aktres.

“My dream wedding would be a beach wedding. Ang nakikita ko talaga after three or four years, basta before ako mag-30, iyon ang gusto ko.

“Ayokong masyado patagalin na umabot na sa range ng 30s, kasi ‘pag tumapak na sa 30, ang bilis na naman, eh. Sana before 30, maging swabe na ang lahat at matuloy ang kasal,” pahayag ni Daniel.

Sey naman ni Kathryn, “Before 30? Yeah, iyon naman talaga ‘yung deal namin. May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, iyon naman talaga ‘yung plan. Of course, agree.”

Siyam na taon nang magkarelasyon ang tinaguriang King & Queen of Hearts ng Philippine showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Daniel Ford (@supremo_dp)

Karla kinakarir ang pagpapapayat: Wag na masyado maraming dahilan, laban para sa kalusugan!

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending