Hayden Kho kinarir ang make-up lessons para kay Vicki Belo | Bandera

Hayden Kho kinarir ang make-up lessons para kay Vicki Belo

Reggee Bonoan |December 17,2021
facebook
share this

Hayden Kho kinarir ang make-up lessons para kay Vicki Belo

Reggee Bonoan - December 17, 2021 - 03:18 PM

Hayden Kho, Vicki Belo at Scarlet Snow

SA sobrang pagmamahal ni Hayden Kho sa asawang si Dra. Vicki Belo ay nag-aral talaga siya ng pagme-make up at pag-blow dry ng buhok para kapag may lakad sila at walang make-up artist na available ay siya ang gagawa para sa kabiyak.

Ito ang pambubuking ni Vicki sa tsikahan nila ng kilalang vlogger na si Michelle Dy para sa “First time doing my Make-up” episode sa YouTube channel nito na in-upload kahapon, Dec. 6.

Sa tagal naming kakilala si Doc Belo ay ngayon lang din namin nalamang hindi pala siya marunong mag-make up sa sarili, bagama’t nakita na namin siyang wala nito nu’ng dumadalaw pa kami sa bahay nila ay hindi naman namin naiisip na iyon.

Kuwento ng kilalang cosmetic doctor at beauty guru, “Actually hindi po ako marunong mag-make-up kasi sanay na po ako since I was young na people will do my make-up for me, people will blow dry my hair for me.

“In fact alam kong mahal ako ni Hayden kasi ‘wag n’yo sabihin sa kanya, pero alam n’yo nag-make-up lessons siya. Ha-hahaha! At saka blow dry lessons!” sabi ni Vicki Belo.

Natawa at nagulat naman si Michelle sa pambubuking ni Doc Vicki sa asawa. At dahil tuturuan siyang mag-make up ay naikuwento niya na ‘yung make-up artist niya para sa mga okasyon ay laging pink ang ginagamit na make-up sa kanya.

“She loves me in pink, hindi raw bagay sa akin ang red, orange something peach. Kailangan daw pampabata, kailangan kong magmukhang bata kasi I’m kinda not bata kaya gusto niya pink (sabay muwestra sa mukha),” aniya pa.

‘Yung pang-araw-araw naman niyang make-up artist para sa mga shoot niya sa vlogs at interviews ay 25 years na niyang kasama.  Sadyang dalawa ang make-up artists niya para may pagkakaiba naman at hindi iisa ang itsura niya.

View this post on Instagram

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)


Naikuwento rin niya na minsan ay nagpa-make up na siya sa kaibigan at make-up artist din ni Kris Aquino na si RB Chanco at si Juan Sarte naman ang nag-make up sa kanya noong ikasal sila ni Doc Hayden na ginanap sa Paris noong September 2017.

Bago ginanap ang tutorial make-up challenge ng dalawa ay ipinakita muna ni Doc Vicki sa unang pagkakataon ang private house niya na nasa same village kung saan naroon din ang bahay nila na madalas ipakita sa kanyang vlog at doon din sila tumatanggap ng bisita.

Sa nasabing private house ay may sariling wellness room na kung tawagin daw ni Doc Hayden ay 16th clinic.

“Hayden calls this the 16th clinic of Belo ‘coz we already have 15 clinics and our new clinic is in Pampanga and so ito ang 16th clinic kasi medyo tinatamad na rin akong pumunta sa clinic, so, dito na ako lalo na during the pandemic nasanay na ako na dito ako nagpapa-treatment,” pahayag ng beauty guru.

May sariling shampoo bowl, massage bed, hair products na nasa life size cabinet at sa kabilang cabinet ay naroon ang mga PPE’s (personal protective equipment), essential oils, I have my own storage for (Belo products) at iba pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sinimulan na nina Doc Belo at Michelle ang make-up challenge, “So, this is a challenge guys since I don’t know how to put my make-up Michelle is going to teach me and I’m going to copy everything she does to put on my face,” say nito.

Vicki Belo, Hayden Kho tumulong sa pagbabakuna sa mga taga-Makati

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending