Robi may habilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal

Robi naghabilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal nila ni Maiqui

Ervin Santiago |January 15,2024
facebook
share this

Robi naghabilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal nila ni Maiqui

Ervin Santiago - January 15, 2024 - 08:00 AM

Robi may habilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal nila ni Maiqui

Si Robi Domingo kasama si Maiqui Pineda sa lamay ng kanyang lola

ILANG araw bago ang kasal ni Robi Domingo kay Maiqui Pineda ay aware na ang TV host sa lumalalang health condition ng kanyang lola.

Sa katunayan, may usapan na sila ng kanyang mga magulang sakaling magkaroon ng hindi magandang pangyayari sa mismong araw ng wedding nila ni Maiqui.

Ayon sa Kapamilya host ang January 6 daw ay ang masasabi niyang “happiest day of my life” pero naging “bittersweet” nga nang mabahiran ito ng kalungkutan matapos sumakabilang-buhay ang kanyang lola.

Minabuti rin daw ng kanyang mga kapamilya na hindi muna sabihin sa kanya ang malungkot na balita, “So that our focus was our magical day.”

“Months before kasi ano na siya, expected na namin yung mangyayari kasi marami nang false alarms sa Lola ko,” ang pahayag ni Robi sa panayam ng ABS-CBN News.

Baka Bet Mo: Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Patuloy pang pagbabahagi ng TV host, “So we were getting ready, pero siyempre iba pa rin pag nandu’n na.

“Actually months before, August, I remember I told my assistant and my mom na, sabi ko ‘let’s just be real, paano kapag January 5 or 6 may nangyari kay Ina, ano ang mararamdaman nating lahat?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ready na ba tayo? Ready naman na tayo, kasi ganu’n na yung condition niya.’ Sabi ko, may pakiusap lang ako, ‘Huwag n’yo pong sabihin sa akin at kay mama,’” aniya pa.

Baka Bet Mo: Melai kay Robi: ‘Nagpapakengkoy ka kay Maiqui, kahit deep inside…in pain’

“(January) 7 pwede na nating iprocess kasi, kasi gusto ko lang na mag-enjoy. I don’t want to be selfish, pero I want to be in the moment,” dugtong ng mister ni Maiqui.

Hanggang sa sumakto nga sa araw ng kanilang kasal ang pagpanaw ng kanyang lola, “My mom arrived in Pulilan (Bulacan) January 6 in the morning. Mahirap hindi sabihin sa kanya na ganu’n na ‘yung nangyayari, kasi she was there.

“My Lola passed away 7 a.m., hinintay lang niya dumating ang nanay ko siguro,” kuwento pa ni Robi.

Para naman kay Maiqui, bilib siya sa katapangan at katatagan ni Robi at ng pamilya nito, “His family was very strong and very brave and thoughtful to have kept it from us to not ruin our day, so we’re very grateful and appreciate what they did for us.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Robi at Maiqui nito ngang nagdaang January 6 sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan kung saan din bininyagan ang TV host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending