Alden move on na sa 2022: Kalimutan na ang mga hindi magandang pangyayari noong 2021! | Bandera

Alden move on na sa 2022: Kalimutan na ang mga hindi magandang pangyayari noong 2021!

Ervin Santiago - January 02, 2022 - 12:02 PM

Julie Anne San Jose, Bea Alonzo at Alden Richards

HALOS iisa lang ang hiling at dasal ng mga local celebrities para sa sambayanang Filipino sa pagpasok ng Bagong Taon — sana’y matapos na ang pandemya at maging masagana na ang 2022.

Halos dalawang taon na ring pinahihirapan ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas at ang marami pang bansa sa buong mundo na patuloy na nagpapahirap sa buhay ng mga tao.

Kaya naman halos lahat ay umaasa at nagdarasal na sana’y ang 2022 ay magdala ng mas manigo at mulusog na taon para sa buong universe.

Tulad na lang ng naging New Year’s message nina Bea Alonzo, Alden Richards at Julie Anne San Jose para sa lahat ng mga Kapuso na patuloy na nakikipaglaban sa buhay sa kabila ng pandemya at trahedya pati na sa mga nawawalan na ng pag-asa.

Mensahe ni Bea, “Alam ko po marami tayong pinagdaanan these past years, pero alam ko kinaya natin at kakayanin pa natin. 

“Kaya ngayong 2022 sana po ay maging masagana ang ating mga buhay at maginhawa ang ating mga buhay. At siyempre sana lagi tayong healthy. Let’s all look forward to a better 2022. Love you all!” dagdag pang pahayag ng girlfriend ni Dominic Roque.

Ito naman ang pahayag ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne, “I just want to say Happy, Happy New Year to everyone. 

“Alam ko marami na po tayong napagdaanan noong 2021 so we’re all looking forward to a better year. 

“And sana po ay huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil things will be better, hopefully of course in 2022. Kaya naman po mag-ingat po kayo palagi lahat mga Kapuso. Cheers!” sey pa ni Julie Anne.

Pahayag naman ni Alden, “Ngayong parating na ang 2022, ang nais ko po sa ating lahat ay kalimutan na po natin ang mga hindi magandang pangyayari noong 2021. 

“Iwan na po natin lahat ng experiences natin na hindi maganda for that year and let’s move on this 2022, dahil sobrang daming possibilities, sobrang daming pagkakataon muli na makapagsimula,” paalala pa ng Asia’s Multimedia Star na nagse-celebrate rin ngayong araw, Jan. 2, ng kanyang 30th birthday.

View this post on Instagram

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295617/alden-wala-pa-ring-lovelife-magti-30-na-ako-its-about-time-na-ako-naman
https://bandera.inquirer.net/291612/bea-ipapasok-daw-sa-serye-nina-alden-at-jasmine-gerald-kinampihan-ni-rr-enriquez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending