Jasmine mas gusto munang mauna ang kasal nila ni Jeff Ortega bago mag-baby

Jasmine mas gusto munang mauna ang kasal nila ni Jeff Ortega bago mag-baby

Jeff Ortega at Jasmine Curtis

HINDI itinanggi ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang tungkol sa pagli-live in nila ng dyowang si Jeff Ortega.

Naging open ang sisteraka ni Anne Curtis sa set-up nila ni Jeff bilang magkarelasyon sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Kuwento ni Jasmine, 22 o 23 years old siya nang magdesisyong magsama na sila sa isang bahay ng kanyang boyfriend.

“At that point, mag-isa na po talaga ako in my own place, in my own apartment. With his work always taking him to different places, kapag may panahon siyang umuwi or mabisita po ako, sa akin na rin siya natutulog noong panahon na ‘yun,” lahad ni Jasmine.

Baka Bet Mo: Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

Ngunit nilinaw agad ng dalaga na alam ng kanyang pamilya ang pagli-live in nila ni Jeff at napakalaki raw ng tiwala ng mga ito sa kanila as lovers.

“It kinda naturally just happened. Una, may maleta siya. Tapos, eventually, ‘here…may closet space ka na kaunti’. Hanggang sa may isa na siyang closet for himself,” sey pa ni Jasmine.

Sunod na tanong ni Tito Boy, “Are you guys talking about marriage or getting married?”


“We have talked about marriage. We have always been aware of our end goal. Ayaw namin, Tito Boy, na parang hindi kami aware sa timeline namin, and kung ano ‘yung ini-invest namin sa isa’t isa.

“Kasi sayang din po ‘yung 8 years na rin ‘yung investment, not just sa relationship but 8 years of my life, of my growth, and likewise na rin po kay Jeff,” sabi pa ng lead actress sa latest Kapuso series na “Asawa Ng Asawa Ko.”

Baka Bet Mo: Dating palaboy na nag-viral sa TikTok promotions manager na ngayon: ‘Nu’ng na-interview siya sa trabaho, sobrang galing!’

Napag-usapan din sa naturang episode ng “Fast Talk” ang tungkol sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz at ang tanong kay Jasmine, hindi ba siya natatakot para sa relasyon nila ni Jeff?

“To be honest, parang wala kaming naramdaman. As in wala kaming fear pareho. We’re just too distracted by everything we’re trying to make happen para sa sarili namin,” ani Jasmine.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Jasmine na mas gusto pa rin niya na mauna ang kasal nila ni Jeff bago magka-baby.

Read more...